MGA KATANGIAN NG MGA TAGAPAG ANYAYA TUNGO KAY ALLAH
Ang papuri ay kay Allah ang Panginoon ng lahat ng nilikha, na nag-utos ng pagsunod sa Kanyang Propeta at pag-aanyaya sa tungo sa Kanyang landas. Nawa ay dakilain ni Allah at protektahan sa lahat ng kasamaan ang ating Propetang si Muhammad, gayundin ang kanyang pamilya, mga kasamahan at sinumang sumunod sa kanila sa kabutihan hanggang sa Araw ng Paghuhukom. Sa pagpapatuloy…
Katotohanan, ang Da’wah (Pag-aanyaya) tungo kay Allah) ay siyang landas ng mga Sugo ayon sa sinabi ni Allah:
Sabihin O Muhammad, ito ang aking landas, nag-aanyaya ako tungo kay Allah (sa kanyang kaisahan) nang may karunungan, ako at sinumang sumusunod sa akin. Luwalhati kay Allah at ako ay hindi kabilang sa mga Mushrikeen (mga taong sumasamba sa diyos-diyosan).Soorah Yoosuf:108
Ang pag-aanyaya tungo kay Allah ang siyang gawain ng mga Sugo, dakilain nawa sila ni Allah at protektahan mula sa lahat ng kasamaan at gayundin ang lahat ng kanilang tagasunod, upang palayain ang tao mula sa kadiliman tungo sa liwanag, mula sa kawalan ng pananampalataya tungo sa pananampalataya.
Ang Da’wah ay nakasandal sa mga haligi at nakatayo sa pundasyon na kung mawawala ang kahit isa sa mga ito hindi magiging tama ang da’wah at hindi mo makakamit ang inaasam na resulta. Mawawalan lamang ng saysay ang ating pagsisikap at magsasayang lang tayo ng oras. Katulad ng naoobserbahan natin sa maraming mga makabagong pagsasagawa ng da’wah na hindi nakatukod sa mga haligi at hindi nakatayo sa kanyang pundasyon.
Naririto ang mga haligi na kung saan nakasandal ang tamang Da’wah katulad ng nababanggit sa Qur’an at sa Sunnah at ito ay maibubuod sa sumusunod
Naririto ang mga haligi na kung saan nakasandal ang tamang Da’wah katulad ng nababanggit sa Qur’an at sa Sunnah at ito ay maibubuod sa sumusunod:
1. Ang Karunungan ukol sa bagay na inaanyayahan niya ang mga tao tungo dito: Ang isang mangmang ay hindi maaaring maging tagapag-anyaya tungo kay Allah, sinabi ni Allah;
Sabihin O Muhammad, ito ang aking landas, nag-aanyaya ako tungo kay Allah (sa kanyang kaisahan). Nang may siguradong karunungan, ako at sinumang sumusunod sa akin. Luwalhati kay Allah at ako ay hindi kabilang sa mga Mushrikeen (mga taong sumasamba sa Diyos-diyosan). Soorah Yoosuf:108
Sa pamamagitan ng siguradong kaalaman ay kaya niyang harapin ang lahat ng pagdududa at sa pamamagitan nito ay makikipagtalo siya sa lahat ng katunggali. Katotohanan kapag ang isang tagapag-anyaya kay Allaah ay hindi armado ng siguradong kaalaman siya ay matatalo sa unang pakikisabak pa lamang o kaya hihinto siya sa simula pa lamang ng daan.
Dapat rin malaman ng isang Daa’iyah (tagapag-anyaya tungo kay Allaah) ang mga dahilan kung bakit tayo nag-aanyaya tungo kay Allaah.
UNA: Bilang pagsunod sa utos ni Allaah. Sinabi ni Allaah:
Mag-anyaya kayo tungo sa landas ni Allaah nang may karunungan, mabuting pangangaral at makipag-usap sa kanila sa magalang na paraan. Sooratun Nahl:125
IKALAWA: Upang mailigtas ang ibang tao mula sa impiyerno. Sinabi ni Allaah:
O kayong mga mananampalataya iligtas ninyo ang inyong mga sarili at inyong mga pamilya mula sa Apoy… Sooratut Tahreem:6
IKATLO: Upang makakamit ng gantimpala mula kay Allaah. Sinabi ni Allaah:
Sino pa ba ang mas mabuti sa pananalita maliban pa sa nag-aanyaya tungo kay Allaah at gumagawa ng Kabutihan at nagsasabing katotohanan ako ay kabilang sa mga Muslim.
Sooratul Fussilat:33
Sinabi ni Propeta Muhammad:
ٍSinuman ang mag-anyaya tungo sa gabay, mapapasakanya ang gantimpala na katulad ng gantimpala ng sinumang sumunod sa kanya, na hindi mababawasan ang gantimpala niya at ng sumunod sa kanya. (Muslim)
2. Ang pagsasakatuparan ng mga bagay na inaanyayahan niya ang ibang tao na gawin: hanggang sa siya ay maging isang mabuting halimbawa at pinatototohanan ng kanyang mga gawain ang kanyang mga sinasabi. Sinabi ni Allaah sa kanyang Propeta na si Shuaib (Ingatan nawa siya ni Allaah sa lahat ng Kasamaan), sinabi niya sa kanyang kababayan;
Hindi ko nais na tumaliwas sa kung anumang iniuutos ko sa inyo, katotohanan wala akong nais kundi ang pagsasaayos sa abot ng aking makakaya. Soorah Hood: 88
Sino pa ba ang mas mabuti sa pananalita maliban pa sa nag-aanyaya kay Allaah at gumagawa ng Kabutihan. Sooratul Fussilat:33
O kayong mga mananampalataya! Bakit ninyo sinasabi ang bagay na hindi ninyo ginagawa? Sooratus Saff:2
3. Ang Dalisay na Layunin (Ikhlas): na ang da’wah ay magiging alang-alang kay Allaah at hindi iniintensiyon dito ang pagpapakitang-tao o para sa magandang reputasyon, hindi rin para sa inaasam na mga pangarap sa buhay.
Kapag ang ganitong mga bagay ay pumasok sa ating intensyon ang ating Da’wah ay hindi alang-alang kay Allaah, kundi ito ay Da’wah alang-alang sa sarili o para sa inaasam na mga mithiin. Katulad ng ipinaalam sa atin ni Allaah na sinabi ng kanyang mga Propeta sa kanilang mga bayan:
Hindi ako humihingi sa inyo para dito (sa Da’wah) ng pabuya. Sooratush Shoora:23
Hindi ako humihingi para dito (sa Da’wah) ng salapi. Soorah Hood:29
4. Ang Pagsisimula sa bagay na Pinakamahalaga pababa: Dapat na mag-aanyaya unang-una sa pagsasaayos ng ‘Aqeedah (Paniniwala), sa pamamagitan ng pag-uutos ng kadalisayan ng pagsamba alang-alang lamang kay Allaah at pagbabawal ng shirk, matapos ay sa pag-uutos ng salaah at pagbabayad ng zakah, sa paggawa ng mga obligadong gawain at sa pagsaway sa mga ipinagbabawal katulad ng pamamaraan ng lahat ng mga Sugo. Sinabi ni Allaah;
At nagsugo kami sa lahat ng pamayanan ng Sugo, upang (turuan ang mga tao na) sumamba kay Allaah at lumayo sa mga Taghoot (mga diyos-diyosan). Sooratun Nahl: 36
At ganoon din makikita sa talambuhay ng Propeta Muhammad sa pag-aanyaya niya sa pamamagitan ng mabuting halimbawa at sa pagkukumpleto ng pamamaraang Islamiko habang siya ay namumuhay sa Makkah ng labintatlong-taon na inaanyayahan nag mga tao tungo sa Tawheed (ang kaisahan ni Allaah) at pagbabawal sa kanila sa Shirk (pagsamba sa diyos-diyosan at pagtaliwas sa Tawheed) bago pa siya nag-utos sa kanila ng Salaah, Zakah, Pag-aayuno, at Hajj, bago pa man sila pagbawalan mula sa Riba’ (pagpapatubo sa pagpapautang), pangangalunya, pagnanakaw, o pagpatay ng walang katarungan.
5. Ang pagtitiis sa kung anumang makakaharap niyang paghihirap sa landas ng pag-aanyaya tungo kay Allaah at mula sa anumang pang-iinsulto ng mga tao,dahil ang landas ng Da’wah ay hindi madali mula pa sa simula. Katotohanan ito ay mahirap dahil sa mga panlilinlang at peligro nito. At ang pinakamabuting halimbawa natin ay ang mga Sugo, dakilain nawa sila ni Allaah at protektahan mula sa lahat ng kasamaan, dahil hinarap nila ang pang-iinsulto at pangungutya ng kanilang mga pamayanan. Tulad ng sinabi ni Allaah;
Katotohanan maraming mga Sugo na nauna sa inyo ang nilapastangan, subali’t ang mga lumapastangan sa kanila ay napangibabawan ng mismong bagay na kanilang nilalapastangan.
Sooratul An’aam:10
Katotohanan ang mga Sugo na nauna sa iyo (O Muhammad) ay itinanggi, subali’t sila ay nagpatuloy nang may kasamang pagtitiis, at sila ay nasaktan, hanggang sa dumating sa kanila ang aming tulong…Sooratul An’aam:34
6. Ang Daa’eyah ay dapat napapalamutian ng mabuting ugali. Gumagamit ng karunungan sa Da’wah upang matanggap ang kanyang pag-aanyaya. Sinabi ni Allaah kay Moses at kay Haaroon nang isinugo sila sa pinakamalala sa mga di mananampalataya (si Paraon):
Makipag-usap kayo sa kanya nang ahinahon maaaring tanggapin niya ang babala at matakot kay Allaah. Soorah Taa Haa: 44
Sinabi rin ni Allaah sa ating Propeta:
At sa habag ni Allaah, ikaw ay mahinahon sa pakikitungo sa kanila. At kung ikaw ay naging malupit at may matigas na puso, sila ay maaaring lumayo sa iyo…Soorah Aali ‘Imraan:159
At sinabi rin ni Allaah:
At katotohan ikaw (Muhammad) ay nasa mataas na antas ng pag-uugali. Sooratul Qalam: 4
7. Ang Daa’eyah ay kailangang may pag-asa. At hindi nawawalan ng pag-asa sa mga impluwensya sa kanyang Da’wah, sa gabay para sa kanyang pamayanan, o sa tulong ni Allaah, o sa suporta Niya kahit pa sa mahabang panahon, o malampasan pa ang takdang panahong inaasahan niya. Para sa atin ay si Propeta Muhammad bilang mabuting halimbawa. At ganoon din si Propeta Noah na nagda’wah sa kanyang komunidad ng 950 na taon.
Nang tumindi ang pang-iinsulto at pananakit ng mga hindi-mananampalataya kay Propeta Muhammad ay dumating sa kanya ang Anghel ng Kabundukan na humihingi ng pahintulot na tabunan ang mga di-Mananampalataya ng Al’Akhshabain (dalawang malalaking bundok), nguni’t ang isinagot niya ay “Hindi, pabayaan mo sila, maaaring si Allaah ay lilikha mula sa mga apo nila ng mga sasamba kay Allaah, nang nag-iisa at walang katambal.”
kapag ang NAWALA SA isang Daa’Eyah ang Mga katangiang ito HINDI SIYA magtatagumpay at ang kanyang da’wah ay magiging
kapaguran lamang at walang saysay.
Tinipon at isinalin sa Wikang Filipino ni Mujahid Navarra
0 Mga Komento:
Mag-post ng isang Komento
Mag-subscribe sa I-post ang Mga Komento [Atom]
<< Home