Biyernes, Mayo 2, 2014

Ang obligasyon na mag DA'WAH

ANG KAHALAGAHAN NG PAG-AANYAYA TUNGO KAY ALLAH
Si Allah ay bumanggit ng mgakahatulan nang pangkalahatan sa Qur’an at ito ay binigyan ng ibayong detalye niPropeta Muhammad sa kanyang  Sunnahsubalit si Allah ay nagbigay ng detalye ng pagpupunyagi sa Da’wah sa Qur’annang may ibayong detalye at kakumpletuhan. Hindi niya idinetalye ang pagsambang mga Propeta, o ang salah ni Ibrahim, o ang Hajj ni Adam, o ang pag-aayuno ni Dawud bagkus ay nagbanggit lamang siya ng ukol dito nang may pangkalatahang pagbanggit lamang.
Si Allah ay hindi bumanggit ng kuwento ng isang tagasamba sa Qur’an subalit Siya ay nagdetalye ng kuwento ng da’wah ng mga propeta.
Siya ay nagdetalye sa kuwento ni Musa sa 29 juz’ ng Qur’an. Siya rin ay nagdetalye ng da’wah ng mga propeta sakanilang mga pamayanan at siya ay nagbanggit ng kuwento ni Nuh, Ibrahim, Musa,Eisa, Hud, Saleh, Shu’aib, Lut, Yusuf at iba pa dahil ang ummah na ito ayisinusugo sa da’wah at ang kanilang huwaran ay ang mga propeta.
ANG DA’WAH MULA SA UNANG ARAW
Mayroong mahabang panahongpagitan sa gitna ng pagpapabatid ng pananampalataya at ang pagbaba ng mgakahatulan subalit walang panahong pagitan sa gitna ng pagpapabatid ngpananampalataya at pag-uutos na mag-da’wah dahil ang ummah na ito ay isinugo para mag-da’wah tulad ng mga propeta.
Ang lahat ng propeta ay nagtuturosa kanilang mga pamayanan ng mga kahatulan matapos na maituro nila sa kanilaang pananampalataya, subalit si Propeta Muhammad, matapos siyang gawing propetani Allah ay inutusan ni Allah na matapos na magturo ng pananampalataya aymagturo ng da’wah tungo sa relihiyon sa kanyang ummah at matapos nito ay inutusan siya na turuan sila ng mga kahatulang panrelihiyon sa Madinah dahil angummah na ito ay isinugo upang magda’wah katulad ng mga propeta.
 PANANAGUTAN NG MUSLIM
Si Allah ay pumili at naghirangsa ummah na ito mula sa iba pang mga ummah at pinarangalan at iniangat samataas na antas sa pamamagitan ng relihiyon na ito at sa pag-aanyaya tungodito. Ang da’wah tungo kay Allah ay obligado sa lahat ng muslim at muslimahayon sa kanyang kaalaman at kakayanan. Ang da’wah tungo kay Allah aypananagutan ng ummah at pangangailangan ng ummah.
1.       Sinabi ni Allah: Sabihin, Ito ang aking landas, ako ay nag-aanyayatungo kay Allah nang may tiyak na kaalaman, ako at ang mga sumunod sa akin.Luwalhati kay Allah at ako ay hindi kabilang sa mga nagtatambal sa Kanya. SurahYusuf: 108.
 Ang teksto na ito ay pangkalahatan at naaangkop sa lahat ng panahon araw man o gabi.Naaangkop sa lahat ng lugar, sa Hilaga o sa Timog, Silangan o Kanluran.Naaangkop sa lahat ng lahi, arabo man o hindi. Naaangkop sa lahat ng kasarian,lalaki man o babae. Naaangkop sa lahat ng edad, matanda man o bata. Naaangkop sa lahat ng kulay, maitim man o maputi. Naaangkop sa lahat ng antas sa lipunan,amo man o alipin, mayaman man o mahirap.
 Ang da’wah parasa mga yaon ay obligado dahil sila ay kabilang sa mga tao at ito ay angrelihiyon na para sa mga tao. Ang da’wah para sa mga yaon ay nagiging obligadokapag sila ay nagmuslim dahil sila ay kabilang sa ummah ni Propeta Muhammad atmga tagasunod niya.
 2.       Sinabi ni Allah:
 3.       Sinabi ni Propeta Muhammad sa araw ng ‘Eid sa kanyang hulingHajj nang nagpapahayag sa lahat ng nanampalataya sa kanya na kabilang sakanyang mga kasamahan na arabo at hindi mga arabo, kalalakihan at kababaihan,mapuputi at maiitim, mayayaman at mahihirap, mga amo at mga alipin, “Upang pabatiran ng dumalo dito ang wala rito dahil maaaring ang naririto aymagpaparating sa siyang higit na makakaunawa sa mensaheng ito.” Iniulat nina Imam Al Bukhari at Imam Muslim.
4.       Iniulat ni ‘Abdullah bin ‘Amr na si Propeta Muhammad ay nagsabi,“Magpabatid kayo mula sa akin ng kahit isang ayah at magkuwento kayo tungkol saAngkan ng Israel at walang problema rito. Sinuman ang magsinungaling laban saakin nang sinasadya ay umupo sa upuan sa impiyerno.” Iniulat ni Imam Al Bukhari.
 5.       Ang paglalaan ng pagsusumikap sa pagpapangibabaw ng salita niAllah at ang pagpapalaganap nito ay nagiging dahilan ng pagkakamit natin nghidayah.Sinabi ni Allah: Sinuman ang nagsumikap sa landas Namin ay gagabayan Namin sila sa Aming landas. Tunay na si Allah ay nasa panig ng mga Muhsinin.Suratul Ankabut: 69
 -         Ang katotohanan ukol samujahadah ay ang pagiging ganap ng gawain, ang paggawa ng lahat ng bahay alangalang ditto at ang pagpapatuloy dito hanggang sa kamatayan.
 -         Ang pinakamahal sa mgabiyaya ni Allah ay ang hidayaho gabay na hindi ibinibigay ni Allah liban nalamang sa pinakamagiting sa Kanyang mga nilikha. Para sa sinumang naghangadnito at nagsumikap sa landas ng pagkakamit nito, sa mga binigyan ni Allah ngkaalaman na siya ay kabilang sa nagtataglay nito at sila yaong mgamananampalataya.  Dahil dito ay inutusantayo ni Allah na hangarin ito mula sa kanya sa bawat araw nang 17 ulit sa mga obligadong salah ayon sa sinabi ni Allah: Gabayan Mo kami sa matuwid na landas.Ang landas ng mga biniyayaan Mo. Hindi ng mga kinapootan Mo at ng mga naligaw. Suratul Fatihah: 6-7
ANG PAGLALAAN NG PAGSUSUMIKAP SA PAGPAPANGIBABAW SA SALITA NI ALLAH
 1.       Ang pagsisikap sa mga hindi mananampalataya na maaaring sila aymagabayan.
 Sinabi ni Allah: Sinasabi ba nila na ito ay inimbento lamang niya. Bagkus ito ay ang katotohananmula sa iyong Panginoon upang babalaan ang isang pamayanan sa kung anuman angdumating sa kanila mula sa mga tagapagbabala na nauna sa iyo at nawa sila aymagabayan.  Suratus Sajdah: 3.
 2.       Pagsisikap sa mga suwail kay Allah upang sila ay sumunod.
 Sinabi ni Allah:“Magkaroon sa inyo ng grupo na mag-aakay tungo sa kaayusan, nag-uutos ngkabutihan at nagbabawal sa kasamaan. Sila yaong magiging matagumpay. Surah Ali‘Imran: 104.
 3.       Pagsisikap sa isang mabuting tao upang maging tagapagsaayos atsa nakakaalala upang maging tagapagpaalala.
 Sinabi ni Allah:Isinusumpa ko sa panahon. Tunay na ang tao ay nasa pagkalugi. Liban na lamangsa nanampalataya, gumagawa ng kabutihan, nagpapayuhan katotohanan atnagpapayuhan sa pagkamatiisin. Suratul ‘Asr: 1-3
 Sinabi rin Niya:
Nang nalaman ng mga sahabah angobligasyon ng da’wah at ang kahigitan nito ay nag-unahan sila sa mga laranganng da’wah, pag-aaral, jihad upang mangibabaw ang salita ni Allah at ang pagpapalaganap nito sa buong mundo. Nag-aanyaya sila tungo kay Allah nang mayhikmah at mabuting pangangaral. Sa kanilang mga puso ay matatagpuan ang habagat malasakit sa mga tao at ito ay nakatala sa mga aklat ng mga hadith at mgatalambuhay.
Sinabi ni Allah:  Mag-anyaya kayo tungo sa landas ng inyongPanginoon nang may hikmah at mabuting pangangaral at makipagtalo sa kanila samainam na paraan. Tunay na ang iyong Panginoon ay higit na nakakaalam kung sinoang naligaw mula sa Kanyang landas at Siya ang higit na nakakaalam ngginabayan. Suratun Nahl: 125.
ANG PAGIGING OBLIGADO NG DA'WAH
Ang da’wah ay obligado sa bawatisa ayon sa antas ng kanyang kaalaman at kakayanan.
Ang mga muslim ay nahahati sadalawang uri:
1.       Ang mga ‘Alim o mga iskolar ng relihiyon na nagpapahayag ngkatotohanan sa mga tao mula sa kanyang sarili at nag-aanyaya sa mga tao sapagsunod sa kanya tulad ng sinabi ng mananampalataya na mula sa pamilya ni Paraon: At sinabi ng siyang nanampalataya, O aking pamayanan, sundin ninyo akoat kayo ay aking gagabayan sa matuwid na landas. O aking pamayanan, tunay naang buhay na ito ay panandalian kasiyahan at ang Kabilang buhay ang panghabangpanahong tahanan. Suratul Ghafir: 38-39.
 2.       Ang mga pangkaraniwang muslim na hindi mga ‘alim na nag-uutos ngmga tao ng pagsunod sa sugo at sa mga iskolar tulad ng sinabi ni Allah: At dumating mula sa malayong panig ng lungsod ang isang lalaki na nagsasabing, O aking pamayanan, sundin ninyo ang mga sugo. Sundin ninyo yaong hindi humihingisa inyo ng gantimpala at silang mga ginabayan. Surah Ya Sin: 20-21.
Lahat ay magtataguyod ng da’wah tungo kay Allah upang si Allah ay sambahin nang nag-iisa at walang katambal.
Ang iskolar ay nagpapabatid sapamamagitan ng kanyang kaalaman samantalang ang hindi iskolar ay naggagabay tungo sa pagsunod sa mga iskolar na ilang mga higit na nakakaalam mula sa mga nilikha ni Allah.
ANG PROPESYON NG UMMAH
Ang da’wah tungo kay Allah ay angpropesyon ng buong ummah. Ang pagbibigay ng  fatwa o kapasiyahan sa mga usapingpangkahatulan, ay magbibigay ng kapasyahan ang nakakaalam ng kahatulan at sinumanghindi nakakaalam ay mag-aakay sa nagtatanong tungo sa mga iskolar na hinirangni Allah sa pagkakaroon ng mas maraming kaalaman, karunungan, pang-unawa atmemorya. At ang nag-akay tungo sa isang gawain ay tulad ng kanyang ginabayan.Ang mga sahabah ay nagtutulakan sa isat isa sa pagbibigay ng fatwa atnakikilala mula sa kanila sina Mu’adh, ‘Ali, Zaid bin Thabit, Ibnu Abbas at iba pa – kalugdan nawa silang lahat ni Allah. Ang fatwa ay hindi mubah para salahat subalit ang da’wah, ay nagda-da’wah ang lahat ayon sa kanyang antas ng kaalaman at ang pinakamababa nito ay isang ayah.
Ang mga iskolar at ang mga pantas– sila ang mga nagbibigay ng fatwa ayon sa sinabi ni Allah: Tanungin ninyo ang mga may kaalaman kung kayo ay hindi nakakaalam. Suratun Nahl: 43.
Samantalang ang da’wah at angpag-uutos ng kabutihan at pagbabawal sa kasamaan ay para sa lahat ng nasa ummahna ito ayon sa antas ng kanyang kaalaman at kakayanan at basirah (tiyak nakaalaman). Itinaguyod ito ng mga sahabah ni Propeta Muhammad mula sa unang arawbago pa mang ibinaba ang mga kahatulan sa salah, zakah, pag-aayuno at iba pa.Ang katangian ng ummah na ito ay ang pagsasakripisyo at ang pagsisikap sapagpapangibabaw ng salita ni Allah – ang kabutihan ng gawain at hindi angparamihan ng gawain.
Sinabi ni Allah: Sabihin, ito ang aking landas, nag-aanyaya ako tungo kay Allah nang may tiyak na kaalaman, ako at ang mga sumunod sa akin. Luwalhati kay Allah at ako ay hindi kabilang sa mga mushrikin. Surah Yunus: 108.
Ang mga kalalakihan at kababaihang mananampalataya ay tagapagtaguyod ng isat isa, nag-uutos ngkabutihan at nagbabawal sa kasamaan. Nagtataguyod ng salah, nagbabayad ng zakahat sumusunod kay Allah. Sila yaong mga kahahabagan ni Allah. Tunay na si Allah ay Makapagyarihan, ang Makatarungan. Suratut Tawbah: 71.
ANG IDUDULOT NG PAGTALIKOD SA DA’WAH
1.       Ang unang umiral sa buhay ng ummay ay ang pagsusumikap sa da’wahat sumunod dito ang pagsasakripisyo at simpleng pamumuhay (nang walang da’wah).Ang mga kaaway ng Islam ay nagsumikap sa pagsupil sa katangian na ito ng ummahhanggang sa ito ay mawala na sa buhay ng ummah at bumaligtad ang sitwasyon. Angmga pagsusumikap at pagsasakripisyo ay naging para sa buhay sa mundo. Ang taoay nagsisikap upang mabuhay sa buhay ng kompetisyon. At ang lipunan ay nagbabawal ng zina, riba at pag-inom ng alak subalit hindi nagbabawal sa pagtalikod sa da’wah tungo kay Allah at ang pagkawala nito sa buhay ng ummah.
 2.       Ang pagsamba at ang da’wah sa panahon ni Propeta Muhammad at ng kanyang mga sahabah ay obligado para sa lahat ng nasa ummah at makalipas nitoay nanatili ang ibadah para sa lahat ng nasa ummah at ang da’wah para sa iilang nasa ummah. Hindi maisasaayos ang huli ng ummah na ito liban na lamang sa pamamagitan ng nagsaaayos sa nauna dito.
ANG OBLIGASYON PARA SA MUSLIM AT MUSLIMAH
Para sa mga muslim at muslimahang dalawang obligasyon:
1.       Ang Unang Obligasyon: Ang paggawa para sa relihiyon sapamamagitan ng pagsamba kay Allah nang nag-iisa at walang katambal, pagsunodkay Allah at sa Kanyang sugo, pagsagawa ng iniutos ni Allah at paglayo saKanyang ipinagbawal.
 Sinabi ni Allah:Sambahin ninyo si Allah at huwag kayong magtambal sa Kanya ng anuman. Suratun Nisa’: 36.
 Sinabi ni Allah:O kayong mga nanampalataya. Sundin ninyo si Allah at ang Kanyang sugo at huwagkayong sumuway dito habang kayo ay nakakarinig. Suratul Anfal: 20.
 2.       Ang Ikalawang Obligasyon: Ang da’wah tungo kay Allah at angpag-uutos ng kabutihan at pagbabawal sa kasamaan.
 Sinabi ni Allah:Sinabi ni Allah: Magkaroon sa inyo ng grupo na mag-aakay tungo sa kaayusan,nag-uutos ng kabutihan at nagbabawal sa kasamaan. Sila yaong magiging matagumpay. Surah Ali ‘Imran: 104.
 Iniulat niA bdullahi bin Amr na sinabi ni Propeta Muhammad: Ipabatid ninyo mula sa akinang kahit isang ayah. Iniulat ni Imam Al Bukhari.
 Iniulat ni Abu Sa’id Al Khudri: Narinig ko si Propeta Muhammad na nagsabi, Sinuman angmakakita sa inyo ng munkar ay baguhin niya ito sa pamamagitan ng kanyang kamayat kung hindi niya ito kaya ay sa pamamagitan ng kanyang dila at kung hindiniya ito kaya ay sa pamamagitan ng kanyang puso at ito ay pagpapakita ng pinakamahinang pananampalataya. Iniulat ni Imam Muslim.
 ANG FIQH NG PAKIKINABANG SA ORAS
 Si Allah ay bumili mula sa mga mananampalataya ng kanilang mga sarili at kayamanan atpinangakuan sila dahil dito ng Paraiso kayat nararapat para sa isang muslim nagamitin niya ang kanyang oras ayon sa pamamaraan ni Propeta Muhammad sapaggamit nito. Siya ay magsasagawa ng mga inobliga ni Allah at isabuhay anglahat ng iniutos ng kanyang Panginoon sa lahat ng pagkakataon sa lahat ng araw– sa kanyang wudu’, pagkain, pagtulog at iba pang pagkakataon at siya aymaglalaan naman ng maliit na bahagi ng kanyang panahon para sa pagkita at hanapbuhay.
 Nagiging marangal ang kanyang oras sa pamamagitan ng pag-aanyaya sa mga tao tungo kayAllah upang sila ay sumamba at sumamba sa Kanya nang walang katambal. Kapagsiya ay naging bakante o kaya ay hindi naging madali para sa kanya ang da’wahay magpapalawak siya ng kaalaman o kaya ay magbabahagi ng kaalaman sa mga tuladniyang muslim ukol sa mga kahatulang panrelihiyon.
Kapag siya ay naging bakante ngunit hindi magiging madali para sa nagtuturo sa kanya o sa mgatinuturuan niya ang magturo o mag-aral ay gagawin naman niyang abala ang kanyang sarili sa paglilingkod sa kanyang mga kapatid na muslim, pagbibigay ngkanilang mga pangangailangan at pakikipagtulungan sa kanila sa kabutihan at sa pagkamakadiyos.  
 Kapag siya ay naging bakante at hindi magiging madali ang paglilingkod sa kanyang mga kapatid na muslim ay gagawin niyang abala ang kanyang sarili sa paggawa ng mga boluntaryong gawain na malayang gawin kahit kalian, pagbasa ng Qur’an, pagsambit ng mga dhikr at iba pang tulad nito na nagpapalapit kay Allah at mga gawaing mabubuti.
 At sa pamamagitan nito ay ibabahagi natin sa pangkalahatan ng mga tao ang ating mga napakinabangan sa lahat ng pagkakataon.
  MGA URI NG INAANYAYAHAN TUNGO KAY ALLAH AT PAMAMARAAN NG PAG-AANYAYA SA KANILA 
Ang mga tao ay magkakaiba at kabilang sa kanilang pagkakaiba-iba ay ang kanilang pang-unawa atmga gawain at nagkakaiba-iba ang pamamaraan ng pag-aanyaya sa kanila tulad ngsumusunod:
 1.      Silang may kakulangan sapananampalataya at walang kaalaman sa mga kahatulan:
 Tayo ay magtitiis sa kanyang pang-iinsulto at siya ay ating aanyayahan at pangangaralan nang may ganap na kahinahunan at pagkamakatao. Siyaay pangangaralan natin nang may kabaitan tulad ng ginawa ni Propeta Muhammad sa mga badu – mga tao sa disyerto na nakikilala sa kanilang magaspang na pag-uugali.
  Iniulat ni Anas: Habang kami ay nasa masjid nakasama si Propeta Muhammad ay dumating sa amin ang isang badu at siya ay umihisa masjid. Sinabi ng mga sahabah ni Propeta Muhammad, “Mah mah (isangpagpapakita ng galit).” Subalit sinabi ni Propeta Muhammad, “Huwag ninyong putulin ang kanyang pag-ihi bagkus ay hayaan ninyo siya.” At siya ay kanilang pinabayaan hanggang sa siya ay matapos sa kanyang pag-ihi.
 Matapos nito ay tinawag siya ni Propeta Muhammad at nagsabi, “Tunay na ito ay isang masjid at hindi nararapat na dito ang karumihan tulad ng ihi o dumi bagkus ito ay para sapag-aalaala kay Allah, at sa salah, sa pagbabasa ng Qur’an.” O tulad ng sinabini Propeta Muhammad. At siya ay nag-utos ng balde ng tubig at idinilig ito roon. Iniulat ni Imam Mulsim. 
2.      Silang may kakulangan sapananampalataya ngunit may kaalaman sa mga kahatulan: 
Sila ayaanyayahan nang may hikmah at mainam na pagbababala upang madagdagan angkanyang pananampalataya at sumunod sa kanyang Panginoon at magbalik-loob sa Kanya mula sa kanyang mga pagkakasala. 
Iniulat ni Abi Umamah: Dumating kay Propeta Muhammad ang isang batang lalaki at nagsabi sakanya, “O sugo ni Allah, pahintulutan mo ako na mag-zina!” At ang mga tao aypumalibot sa kanya at nagalit habang nagsasabi nang, “Mah mah!” Sinabi niPropeta Muhammad, “Lumapit ka sa akin.” At ito ay umupo malapit sa kanya.Sinabi ni Propeta Muhammad, “Ninanais mo ba ang zina para sa iyong ina?”Sumagot ito, “Hindi, isinusumpa ko kay Allah! Gawin nawa ako ni Allah na alay parasa iyo.” Sinabi ni Propeta Muhammad, “Walang tao ang nanaisin nila ito para sakanilang ina.” Sinabi ni Propeta Muhammad, “Ninanais mo ba ang zina para saiyong anak na babae?” Sumagot ito, “Hindi, isinusumpa ko kay Allah! Gawin nawaako ni Allah na alay para sa iyo.” Sinabi ni Propeta Muhammad, “Walang tao angnanaisin nila ito para sa kanilang anak na babae.” Sinabi ni Propeta Muhammad,“Ninanais mo ba ang zina para sa iyong kapatid na babae?” Sumagot ito, “Hindi,isinusumpa ko kay Allah! Gawin nawa ako ni Allah na alay para sa iyo.” Sinabini Propeta Muhammad, “Walang tao ang nanaisin nila ito para sa kanilang kapatidna babae.” Sinabi ni Propeta Muhammad, “Ninanais mo ba ang zina para sa iyongtiyahin?” Sumagot ito, “Hindi, isinusumpa ko kay Allah! Gawin nawa ako ni Allahna alay para sa iyo.” Sinabi ni Propeta Muhammad, “Walang tao ang nanaisin nilaito para sa kanilang tiyahin.” Matapos nito ay inilagay ni Propeta Muhammad angkanyang kamay sa lalaking ito at nanalangin, “O Allah patawarin mo ang kanyangkasalanan, dalisayin ang kanyang puso at ingatan ang kanyang ari (mula sa zina). At matapos noon ay hindi na nagbigay pansin ang batang yaon sa anumangbagay na tulad nito. 
3.      Siyang may tibay ng pananampalataya at kawalan ng kaalaman sa kahatulan. 
Ang taong ito ay direktang aanyayahan sa pamamagitan ng pagpapabatid ng kahatulang panrelihiyon,panganib ng kasalanang yaon at ang pag-alis sa kasalanan na kanyang kinasasangkutan. 
Iniulat ni Ibnu Abbas: Si Propeta Muhammad ay nakakita ng singsing na ginto sa kamay ng isanglalaki tinanggal ito ni Propeta Muhammad sa kanya at nagsabing, “Kukuha ba kayo ng baga mula sa apoy at ito ay ilalagay niya sa kanyang kamay?” Sinabi salalaki matapos na umalis si Propeta Muhammad, “Kunin mo ang iyong singsing at pakinabanganmo ito.” Sinabi ng lalaki, “Hindi, isinusumpa ko kay Allah, hindi ko iyun kukunin kahit kalian samantalang kinuha na yaon ni Propeta Muhammad.” Iniulat ni Imam Muslim. 
4.      Siyang may tibay ngpananampalataya at kaalaman sa kahatulan. 
 Ang taong ito ay walang kadahilanan dito atsiya ay dapat na pagbawalan nang may matinding pagbabawal at pakitunguhan nanghigit na istriktong pakikitungo kaysa sa mga nauna. Dahil kung hindi aymagiging huwaran siya para sa iba sa pagsuway kay Allah tulad ng ginawangpagtakwil ni Propeta Muhammad sa loob ng 50 araw sa tatlong nagpaiwan sa Madinah noong labanan sa Tabuk. Siya rin ay nag-utos sa mga tao na sila ayitakwil hanggang sa pinatawad sila ni Allah. Sila ay nagpaiwan sa kabila ngkaganapan ng kanilang pananampalataya at kaalaman at wala silang sapat nakadahilanan. Silay ay sina Hilal bin Amiya, Mirarah bin Ar Rabi’ at Ka’b bin Malik – kalugdan nawa sila ni Allah. Ang kanilang detalyadong kuwento ay matatagpuan sa dalawang sahih. Sinabi ni Allah, “Nagpatawad din sa tatlo nanagpaiwan hanggang sa sumikip sa kanila ang lupa sa kabila ng pagiging maluwang nito at sumikip din sa kanila ang mga sarili nila at naisip nila na walang kanlungan laban kay Allah kundi tungo sa Kanya. Pagkatapos ay tinanggap Niya ang pagsisisi nila upang magsisisi pa. Tunay na si Allah ay ang Palatanggap ng pagsisisi, ang Maawain.” Suratut Tawbah: 118. 
5. Siyang walang pananampalataya at walang kaalaman sa kahatulan.
 Ang taong ito ay aanyayahan tungo sa La IlahaIllallah, ipapakilala sa kanya ang mga pangalan at katangian ni Allah, angKanyang mga ipinangako at mga babala, at ang Kanyang mga biyaya at mga grasya.Ipinapaalam sa kanya ang kadakilaan ni Allah at Kanyang kapangyarihan na Siyaang nagtataglay ng kakayanan sa paglikha at pagtatakda. Kapag nanahan sakanyang puso ang pananampalataya ay saka lamang ipapabatid sa kanya ang mgakahatulan nang dahan-dahan ayon sa antas na magsisimula sa salah at susundan ngzakah at sa ganitong pagkakasunud-sunod. “Ikaw ay patungo sa isang pamayanan ngmga tao na kabilang sa Angkan ng Kasulatan (Hudyo o Kristiyano) at ang unang iaanyaya mo sa kanila ay ang pagsamba kay Allah. Kapag nakilala na nila siAllah ay ipaalam mo sa kanila na si Allah ay nag-obliga sa kanila ng limangsalah sa araw at gabi. Kapag ginawa nila ito ay ipaalam mo sa kanila na si Allah ay nag-obliga sa kanila ng zakah mula sa kanilang mga kayamanan at ito ayibibigay sa mga mahihirap sa kanila. Kapag sila ay sumunod dito ay kukunin itomula sa kanila.” Iniulat nina Imam Al Bukhari at Imam Muslim.
ANG KALAGAYAN NG MGA NAG-AANYAYATUNGO KAY ALLAH
Si Allah ang nagpapaunlad sasinumang nagtataguyod ng da’wah at sumusubok sa kanya sa pamamagitan ng kagalakan at sakuna. Siya ay makakakita sa mga tao ng mga susuporta sa kanya atmamiminsala, magtatakwil at mang-iinsulto  sa kanya.
Ang da’iyah ay nasa dalawang kalagayan.
Ang kalagayan ng pagtanggap ngtao sa kanya tulad ng naganap kay Propeta Muhammad sa Madinah at kalagayan ngpagtakwil sa kanya ng mga tao tulad ng nangyari sa kanysa sa Taif dahil siAllah ay nagpapaunlad sa kanya minsan at nagpapaunlad sa iba sa pamamagitanniya sa iba pang pagkakataon.
Ang mga pagkakataon ng pagtanggapsa da’iyah ay mas matindi at mas mapanganib dahil maaaring papasok sa mga pagkakataong ito ang pagmamalaki at maipapakita sa kanya ang mga materyal nakapakinabangan na kung kanyang tatanggapin at higit na pahahalagahan ayikapapamak niya. Liban na lamang sa kinahabagan ni Allah at Kanyang iningatan.Ito ang pagpipilit ni satanas na nakawin ang tagapag-anyaya tungo kay Allahmula sa relihiyon – ang pagiging abala niya sa pangmundong mga bagay atkarangalan.
Samantalang ang mga pagkakataonng pangtanggi at pagtakwil sa kanya ay higit na mainam at higit nanakakapagpatatag para sa kanya na kapag tinanggap niya ay nadaragdagan ang kanyangpagkiling kay Allah, paglapit at pananalig sa Kanya. At siya ay daratnan ngtulong ni Allah sa kadahilanang yaon tulad ng nangyari kay Propeta Muhammad sa Taif nang siya ay itinakwil ng kanyang mga kaaway ay sinuportahan siya ni Allahsa pamamagitan ni Anghel Jibril at ng Anghel ng Kabundukan at matapos nito ayginawang madali para sa kanya ang pagpasok sa Makkah, ang Isra’ wal Mi’raj, angHijrah patungo sa Madinah at matapos ng lahat ng ito ay ang pangingibabaw ngIslam.
ANG PAGSASANIB NG DU’A’ AT NG DA’WAH
Si Propeta Muhammad aynananalangin laban sa mga musrikin paminsan-minsan at nananalangin para sa kanilang gabay sa iba pang mga pagkakataon.
Una: Sa pagtindi ng kanilang mga pagsupil at mga pamiminsala kaya siya ay nanalangin laban sa kanila saGhazwatul Khandaq nang inabala nila nang husto ang mga muslim dahil sa labanan na ito sa kanilang pagsasalah.
Iniulat ni Ali: Noong araw ng Ahzab ay sinabi ni Propeta Muhammad, Pinuno na ni Allah ang kanilang mga bahayat mga libingan ng apoy. Inabala nila tayo mula sa pagtataguyod ng salatul asrhanggang sa lumubog ang araw. Iniulat nina Imam Al Bukhari at Imam Muslim.
Ikalawa: Ay sa paghahangad niya ng kanilang pagmumuslim at ang pagpapalambot ng kanilang mga puso tungo sa relihiyon ni Allah. 

Isinalin sa Wikang FIlipino ni Mujahid Navarra.


0 Mga Komento:

Mag-post ng isang Komento

Mag-subscribe sa I-post ang Mga Komento [Atom]

<< Home