ANG PAGPAPAKILALA SA HIKMAH
PAGPAPAKILALA SA HIKMAH
Hindi nilikha ni Allah ang mga Jinn at ang mga tao liban na lamang upang sumamba sa sa Kanya nang nag-iisa at walang katambal. Sinabi ni Allah,
Hindi ko nilikha ang mga Jinn at mga tao liban na lamang na upang sumamba sa akin. Suratudh Dhariyat: 56.
Ang mga pagsamba ay hindi maaaring makilala ang mga panuntunan nang may ibayong pagdedetalye kaya si Allah nagpadala ng mga sugo – sumakanila nawa ang biyaya, pagpapala at kapayapaan, gayundin ay ibinaba sa kanila ang mga aklat upang ipabatid sa kanila ang dahilan kung bakit sila nilikha at pagpapaliwanag at pagbibigay ng detalye nang sa gayon ay sambahin nila si Allah nang naaayon sa tiyak na kaalaman. At ang mga propeta ang naging pinakaganap sa pagsasabuhay.
Pinahimakasan ni Allah ang pagpapadala ng mga sugo sa pamamagitan ng pagpapadala ng pinakamainam sa kanila na siya ring kanilang pinuno na si Propeta Muhammad – sallallahu alayhi wa sallam. Siya ay nagpabatid ng mensahe, isinakatuparan ang iniatas, nagpayo sa ummah, nakibaka sa landas ni Allah nang tunay na pakikibaka at nag-anyaya tungo kay Allah nang may siyak na kaalaman nang lingid at hayag.
Sabihin mo O Muhammad, Ito ang aking landas, ako ay nag-aanyaya tungo kay Allah nang may tiyak na kaalaman, ako at ang sumunod sa akin. Luwalhati kay Allah at ako ay hindi kabilang sa mga mushrikin. Surah Yusuf: 108.
Ito ang daan, pamamaraan at kanyang sunnah. Nag-aanyaya tungo kay Allah nang may tiyak na kaalaman, kasiguraduhan at may tangan na mga patunay na intelektuwal at panrelihiyon.
KAHALAGAHAN NG USAPIN AT DAHILAN NG PAGPILI DITO.
- Ipinabatid mula sa Maluwalhating Quran ang mga pamamaraan sa pag-aanyaya tungo kay Allah at una nating mababanggit – Ang Hikmah sa Pag-aanyaya tungo Kay Allah. Inutusan ni Allah ang Kanyang propeta na mag-da’wah nang may hikmah. Sinabi niya:
Mag-anyaya ka tungo sa landas ng iyong Panginoon nang may hikmah, mahusay na pangangaral at makipagtalo sa kanila sa mahusay na paraan.Suratun Nahl: 125.
- Sinuman ang sumubaybay sa talambuhay ni Propeta Muhammad ay tunay na makakatagpo na si Propeta Muhammad ay nagsabuhay ng hikmah sa lahat ng kanyang gawain lalung-lalo na sa kanyang pagsasagawa ng da’wah tungo kay Allah. Na sa pamamagitan nito ay tinanggap ng mga tao ang mensahe at pumasok ang maraming mga tao sa Islam bilang biyaya ni Allah ang matapos nito ay sa biyaya ng pagsisikap ng makatarungang Propeta na may tangan ng puso na puno ng pananampalataya at hikmah. Iniulat ni Anas – radiyallahu anhu, “Si Abu Dharr ay nagkukuwento na sinabi ni Propeta Muhammad, ‘Bumukas ang bubong ng aking bahay habang ako ay nasa Makkah at bumaba si Jibril at binuksan niya ang aking puso at hinugasan ito ng tubig ng Zamzam. Matapos nito ay kumuha siya ng sisidlang gawa sag into na napupuno ng hikmah at iman at ito ay ibinuhos sa aking dibdib at ito ay kanyang isinara. Matapos nito ay kinuha niya ang aking kamay at isinama ako sa Mi’raj.’” Iniulat ni Imam Al Bukhari.
Ito ay nagpapatibay na ang hikmah ay kabilang sa mga dakilang pundasyon ng pamamaraan ng da’wah tungo kay Allah sa pamamagitan ng pagpuno sa pamamagitan nito kasama ang iman sa puso ni Propeta Muhammad at siya ay isang tagapag-anyaya tungo kay Allah. Ito ay isang mahalagang kaganapan sa da’wah sa iisang saglit lamang. Bilang pagbibigay-diin sa halaga ng hikmah mula nang dumating si Jibril na siyang Ruhul Qudus na nakalagay sa sisidlang ginto na siyang pinakamamahaling lalagyan. Sa Makkah, na siyang pinakabanal sa lahat ng lugar. Sa pamamagitan ng tubig ng Zamzam na pinamadalisay at pinakamainam na tubig.
Lahat ng ito ay nagpapatibay sa mataas na kalagayan ng hikmah sa pag-aanyaya tungo kay Allah. Sinabi ni Allah:
SInuman ang mabigyan ng Hikmah ay tunay na binigyan ng malaking kabutihan. Suratul Baqarah: 269.
Matapos nito ay sumunod ang mga kasamahan ni Propeta Muhammad sa pamamaraan at gabay niyang ito sa da’wah nang may Hikmah at dahil dito ay lumaganap ang Islam sa kanilang panahon nang malawak na paglaganap. Pumasok sa Islam ang napakaraming tao walang makakabilang sa kanila liban na lamang kay Allah. Matapos nito ay dumating ang mga Tabi’un at sila ay nagkumpleto sa kasaysayan ng pag-aanyaya tungo kay Allah nang may Hikmah. Ito ang nangyari sa unang tatlong henerasyon at ang mga sumunod sa kanila na mula sa mga iskolar at mga mananampalataya. Sa pamamagitan nito ay pinagtagumpay ni Allah ang Islam at ang mga Muslim at ginapi ang Shirk at ang mga Mushrikin.
- May ilang mga tao ang nag-aakala o naniniwala na ang Hikmah ay limitado lamang sa malumanay na pananalita, pagiging makatao, pagpapaumanhin, pagiging matiyaga at iba pa at ito ay malaking kakulangan sa pag-unawa sa tamang pag-unawa sa Hikmah dahil tunay na ang hikmah ay maaaring makita sa mga sumusunod:
3. Minsan ay naipapakita ang HIkmah sa pamamagitan ng mabuting pangangaral na binubuo ng paghihimok tungo sa katotohanan at pagbababala mula sa kabalintunaan. Ito ang paraan na ginagamit sa tumatanggap sa katotohan at naghahanap dito subalit siya ay nagtataglay ng pagpapabaya, kapritso at mga sapantaha.
4. Minsan ay naipapakita ang HIkmah sa pamamagitan ng pakikipagtalo sa mabuting paraan, mahusay na pananalita, kagandahang-loob, malumnay na pananalita, pag-aanyaya tungo sa katotohanan, paggamit ng mga batayan mula sa Quran at Sunnah at mga batayang intelektuwal, pagtugon sa mga kabalintunaan sa pinakamainam na pamamaraan at pinakanararapat na pananalita. Na hindi magaganap na ang layunin ng pakikipagtalong ito ay ang pakikipagdebate lamang at pagpapaimbabaw bagkus ang marapat ay ang maglayon ng pagbabatid ng katotohanan at ang paggabay sa nilikha. Ang antas na ito ng hikmah ay ginagamit para sa sinumang tumatanggi at nangangatwiran.
5. Minsan ay naipapakita ang hikmah sa pagpapakita ng lakas. Sa matigas na pananalita, sa pagpalo, pagdidisplina, pagpapataw ng parusa para sa sinumang siya ay may lakas at autoridad. Kabilang din ito ang Jihad sa landas ni Allah sa pamamagitan ng mga sandata sa ilalim ng bandila at pamumuno ng isang pinuno ng pamahalaang muslim nang may ibayong pag-iingat sa mga panuntunan at kundisyon na tinukoy sa Quran at Sunnah. Ang antas na ito ay ginagamit sa sinumang mapang-api at mapagmalabis. Hindi man siya bumalik sa katotohanan bagkus ang kanyang marapat na tugon ay ang pagtigil sa kanyang kasamaan. Sinabi ng isang makata sa isang tulang arabik:
Nag-da’wah si Propeta Muhammad nang mahabang panahon nang hindi siya tinutugo
At siya ay nagging malumanay sa kanyang pangungusap.
Subalit nang siya ay nagda’wah gamit ang espada sa kanyang mga kamay
Sila ay nagmuslim, sumuko sa kanya at nagbalik-loob.
Nagturan ng katotohanan ang nagsabing: Si Propeta Muhammad ay nagda’wah nang may pananalitang may katotohanan at naayon sa katotohanan. Dahil dito ay sinabi ni Propeta Muhammad, “Tunay na sa ilang mga tula ay matatagpuan ang hikmah.”Iniulat ni Imam Al Bukhari.
- Ang hikmah ay nagdudulot sa tagapag-anyaya tungo kay Allah na tumimbang nang may tamang pagtimbang sa mga sitwasyon. Siya ay hindi nagiging kuripot sa buhay sa mundo habang ang mga tao ay nangangailangan ng pagkilos at paggawa. Siya ay hindi nag-aanyaya tungo sa pagiging ermitanyo at kawalan ng kinalaman sa mundo habang ang mga muslim ay nangangailangan ng pagtatanggol sa kanilang paniniwala at mga bansa. Siya ay hindi nagsisimula sa pagtuturo sa mga tao ng pagbebente at pamimili habang sila ay nasa higit na pangangailangan sa pag-aaral ng wudu’ at salah.
Mahalaga na ang salita ng da’iyah tungo kay Allah, gayundin ang kanyang mga gawain at pag-iisip ay nakapundasyon sa hikmah. Naaayon sa kung ano ang tama. Hindi nauuna o nahuhuli. Walang dagdag at walang bawas. Siya ay marapat na maging masikap sa pag-alam sa nakakabuti at nakakapagsaayos at naghahanap ng pinakamalapit na daan o pamamaraan tungo rito.
Ang mga ito ay pawing nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pag-aaral ukol sa usapin ng hikmah sa pag-aanyaya tungo kay Allah na siya ring isa sa mga dakilang pagsamba. Ang hikmah ay nangangailangan na ito ay maituro sa madaling at magaang paraan upang makinabang dito ang mga tagapag-anyaya tungo kay Allah. Upang maihatid nila sa mga tao ang Islam sa tamang paamamaraan na siyang magpapadali nito sa kanila. Nangangailangan din dito ng pagkakaalam sa sitwasyon ng mga inaanyayahan tungo kay Allah, maging ito man ay kalagayang may kinalaman sa paniniwala, pansarili, pang-ekonomiya o panlipunan. Matapos nito ay ang pagbatid sa mga usapin na nagbibigay sa kanila ng kalituhan upang maalis ang mga ito sa marapat na paraan ayon sa kanilang kalagayan. Lahat ng ito ay nangangailangan pag-aaral na malaliman at malawakan lalo na’t ang kaalamang ito ay hindi makakamit ng sinumang nag-aaral mag-isa.
HALAW MULA SA AL HIKMATU FID DA'WATI ILALLAH
ni Sheikh Sa'id Al Qahtani
Isinalin sa Wikang Filipino ni Mujahid Navarra
0 Mga Komento:
Mag-post ng isang Komento
Mag-subscribe sa I-post ang Mga Komento [Atom]
<< Home