AL WALA’ WA AL BARA’ TAGALOG
AL WALA’ WA AL BARA’
Saleh bin Fawzan Al Fawzan
Panimula
Ang papuri ay kay Allah at ang pagpupugay at pagbati ay sa propeta nating si Muhammad at sa pamliya at kasamahan niya at sa sinumang napatnubayan sa patnubay niya.
At tunay nga pagkatapos ng pagmamahal kay Allah at sa sugo Niya ay marapat ang pagmamahal sa mga Tagatangkilik ni Allah at poot sa mga kalaban Niya.
At mula sa mga pundasyon ng paniniwal sa Islam na obligado sa mga Muslim gawing paraan ng pamumuhay ang ganitong paniniwala na tangkilikin ang kapanalig nito at kapootan ang kalaban nito, mahalin ang mga tao ng tawhid nang may dalisay na hangarin at tangkilikin sila, at kamuhian ang mga tao ng shirk at kapootan sila, at na ito ay mula sa pangkat ni Ibrahim at silang kasama niya na silang nag-utos sa atin na tularan sila, sabi ni Allah:
Naging sa inyo ay isang ehemplong mabuti na si Ibrahim at silang kasama niya nang sinabi niya sa mga kasamahan niya na tunay na ako ay walang pananagutan sa inyo at sa mga sinasamba ninyo maliban pa kay Allah, tumanggi kaming manampalatay sa inyo at sa pagitan namin at sa inyo at poot at galit magpakailanman hangga’t sa panampalatayanan ninyo na si Allah ay nag-iisa lamang. Muntahana 4
At ito ay ang relihiyon ni Muhammad (saws), sabi ni Allah:
O mananampalataya, huwag niyong gawin ang mga hudyo at mga kristiano bilang mga tagatangkilik, sila ay tagatangkilik ng bawat isa at sinuman ang gumawa nito mula sa inyo tunay nga na kabilang siya sa kanila, at tunay na si Allah ay hindi nagpapatnubay sa mga mapaggawa ng di makatarungan. Maidah 51
At ito ay pagbabawal sa pagtangkilik espesyal para sa mga angkan ng kasulatan, at sabi naman sa pagbabawal ng pagtangkilik sa mga di-mananampalataya sa pangkalahatan:
O mananampalataya, huwag niyong gawin ang mga kaaway ko at kaaway niyo bilang mga tagatangkilik…Muntahana 1
Bagkos ay ipinagbawal sa mga mananampalataya ang pagtangkilik sa mga di-mananampalataya kahit na pa kamag-anak pa niya ito. Sabi ni Allah:
O mananampalataya, huwag niyong gawin ang mga magulang niyo at mga kapatid niyo na katangkilik kung pinili nilang mahalin ang pagtangging pagsampalataya sa pananampalataya at sinuman ang gumawa nito sa inyo tunay na sila ay magpaggawa ng kawalang kaatarungan. Tawbah 23
At sabi ni Allah:
Hindi ka makakakita ng lupon na nanampalataya kay Allah at sa huling araw na nagnanais sa silang tumaliwas kay Allah at sa sugo niya, at kahit na pa sila ay magulang nila o mga kapatid nila o kalahi nila. Mujadalah 22
At naging mangmang ang marami sa mga tao hinggil sa dakilang pundasyong ito, hanggat sa narinig ko sa ilang tao (Muslim) na kasama sa may kaalaman at nagtatawag sa Islam sa isang programa sa radio (Arabe) na sinabing ang mga kristiano ay kapatid natin. Ito ay isang mapanganib na pahayag.
Tulad ng pagbabawal ni Allah sa pagtangkilik sa mga di-mananampalatayang mga kaaway ng paniniwalang Islam, gayun naman inubliga si Allah ang pagtangkilik sa mga mananampalataya at pagmamahal sa kanila. Sabi ni Allah:
Tunay ang Tagatangkilik niyo ay si Allah at ang sugo niya at silang mananampalataya na silang nagtatayo ng salah at silang nagbibigay ng zakat at sila ang nagpapatiyukod, ata sinuman ang tumangkilik kay Allah at sa sugo niya at sa mga mananampalataya tunay nga na ang pangkat ni Allah ang mananaig. Maidah 55
Sabi ni Allah:
Si Muhammad sugo ni Allah at silang kasama niya ay masidhi sa mga di-mananampalataya at maawain sa pagitan nila. Fath 29
Sabi ni Allah:
Tunay na ang mga mananampalataya ay magkakapatid. Hujarat 10
Kaya’t ang mga mananampalataya ay magkakapatid sa relihiyon at paniniwala, at ang paglayo sa mga kalahi nila, mga kababayan nila at mga panahon nila, sabi ni Allah:
At silang dumating pagkatapos nila ay nagsasabing O Panginoon namin patawarin mo kami at ang aming mga kapatid na nagpaligsahan sa pananampalataya at huwag niyong lagyan ng ang mga puso namin ng galit sa mga mananampalataya, O Panginoon namin tunay na ikaw ang mahabagin at maawain. Hashr 10
Kaya’t ang mananampalataya mula sa unang nilikha hanggang huli nito anumang mangyari ay lalayo sa mga kakabayan nila at palawakin ang mga panahon nila, ang kapatid ay nagmamahalan at nagtutularan ang mga huli sa kanila mula sa mga nauna sa kanila at tinatawag ang bawat isa (sa kabutihan) at humihiling ng kapatawaran para sa isa’t-isa.
At Al Wala at Al Bara ay maikakategorya sa mga sumusunod:
Una: Mula sa Kategorya ng Pagtangkilik sa mga Di-Mananampalataya
1. Ang paggaya sa kanila sa kanilang pananamit, pananalita at mga tulad nito:
Sapagkat ang paggaya sa pananamit nila at pananalita at mga tulad nito ay nagpapatunay sa pagmamahal sa kanila. At dahil dito sabi ng Propeta (saws): sinuman ang gumaya sa isang grupo ay kabilang na siya dito.
Kaya’t ipinagbabawal ang paggaya sa mga di-mananampalataya sa mga bagay na espesyal para lamang sa kanila mula sa mga kasanayan nila, sa pagsamba nila, sa mga katangian nila at sa mga ugali nila, tulad ng pag-ahit ng balbas at pagpapahaba ng bigote at paglalaro sa mga salita nila maliban na lamang kung kinakailangan. Gayun rin sa kanilang mga pananamit, pagkain, inumin at mga tulad nito.
2. Ang Pananatili sa bayan nila at hindi paglisan dito tungo sa bayan ng Muslim dahil sa pagtakas sa obligasyong pangrelihiyon
Sapagkat ang kahulugan nito ay ang paglikas (Hijra), at ang layuning ito ay obligasyon sa mga Muslim. Sapagkat ang pananatili sa bayan ng mga di-mananampalataya ay nagpapatunay ng pagtangkilik sa mga di-mananampalataya – at dito ay ipinagbabawal ni Allah ang pananatili ng Muslim sa pagitan ng mga di-mananampalataya kung sakaling may kakayanan itong lumikas. Sabi ni Allah:
Tunay na silang pinatay ng mga anghel na ginawan nila ng kawalang katarungan ang mga sarili nila ay msasabihin sa pinagdaanan nila at sabi nila dating kami’y mga mahihina sa lupa, at sabi hindi ba malawak ang kalupaan ni Allah kaya’t kayo’y lumikas dito. Kaya’t sila ay mananahan sa impiyerno at masamang kahihinatnan. Maliban sa mga (tunay) na mahihina mula sa kalalakihan at kababaihan at mga anak nila na hindi kayang makagawa ng paraan at hindi napapatnubayan sa daan. At sa kanila ang pagpapalagpas ni Allah, at tunany na si Allah ang mapagpalagpas at mapagpatawad. Nisa 97-99
Kaya’t hindi pinapalakpas ni Allah ang pananatili sa bayan ng di-mananampalataya maliban sa mga mahihina silang hindi kayang lumikas. At kung ang pananatili ay mayroong kabutihang pangrelihiyon tulad ng pagtawag sa pagsamba kay Allah at pagpapalaganap ng Islam sa bayan nila.
3. Ang Paglalakbay sa Bayan nila na may Layun na Mamasyal at Magpakasarap
Ang paglalakbay sa bayan ng mga di-mananampalataya ay ipinagbabawal maliban kung kinakailangan tulad ng pagpapagamot, negosyo, pag-aaral sa mga pagdadalubahasa na siyang hindi maaring makuha maliban sa paglalakbay dito. Kaya’t dito ay maari dahil sa pangangailangan, at kapag natapos na ang pangangailangan ay marapat na bumalik sa bayan ng mga Muslim.
At kondisyon din sa pagpapahintulot sa paglalakbay na lantad sa relihiyon niya at mapagmalaki sa Islam niya (o pagiging Muslim) laban sa mga masasamang tagaroon. At maingat sa mga patibong ng kalaban at kasabwat nila. At maari o marapat rin ang paglalakbay o sa bayan nila kung ito ay para sa pagtawag sa pagsamba kay Allah at pagpapalaganap ng Islam.
4. Pangangalaga sa kanila at Pagtulong sa kanila Laban sa mga Muslim at Pagpaparangal at Pagbibigay Proteksyon para sa Kanila.
At ito ay mula sa mga nakalalabag ng Islam ay siyang nagiging dahilan ng pagkatiwalag. Tayo ay magpakupkop kay Allah laban dito.
5. Ang Paghingi ng Pangangalaga sa Kanila at Pagtitiwala sa Kanila Paglalagay sa Kanila sa Posisyon na kung saan ay may mga sikreto ng mga Muslim at Turiningin silang Pinagkakatiwalaan at Tagapayo
Sabi ni Allah:
O mga sumampalataya, huwag ninyong gawing pinagtitiwalaan ang hindi kaanib sa inyo, hindi sila magpapabaya sa inyo sa paninira. Minithi nila ang ikapipinsala ninyo. Lumitaw na ang pagkamuhi mula sa mga bibig nila, ngunit ang itinatago ng mga dibdib nila ay higit na malaki. Nilinaw na Namin sa inyo ang mga Kapahayagan, kung kayo ay nakauunawa. Kayo itong nagmamahal sa kanila ngunit hindi naman sila nagmamahal sa inyo, at naniniwala kayo sa lahat ng mga Aklat. At kapag nakatagpo nila kayo, sila ay nagsasabi: “Sumampalataya kami;” ngunit kapag nagkasarilinan na sila ay kinakagat nila ang mga dulo ng mga daliri dahil sa ngitngit sa inyo. Sabihin mo: “Mamatay kayo sa ngitngit ninyo. Tunay na si Allah ay Nakaaalam sa nilalaman ng mga dibdib.Kung dinadapuan kayo ng mabuti, naiinis sila; at kapag dinatnan kayo ng masama, nagagalak sila dahil doon. Kung magtitiis kayo at mangingilag kayong magkasala, walang anumang maipipinsala sa inyo ang pakana nila. Tunay na si Allah, sa anumang ginagawa nila, ay Nakasasaklaw. Imran 118-120
At ang mga ayah na ito ay nagpapaliwanag hinggil sa saloobin ng mga di-mananampalataya at ang kanilang itinatago sa mga Muslim na galit at sa itinatago nila laban sa mga muslim upang linlangin at kanilang nais na kasamaan sa mga muslim at iparating ang paghihirap sa mga Muslim sa anuman paraan. At sa ganito ay sinasamantala nila ang tiwala sa kanila ng mga Muslim at dito ay nakakapagplano sila para sa ikasasama ng mga Muslim at ikapapanalo nila sa mga Muslim.
Sa pahayag ni Imam Ahmad, ayun kay Abu Musa Al-Asr’ari (ra) ay nagsabi: sabi ko kay Umar (ra) Mayroon akong tagasulat na Kristiano, at sabi: anong nangyayari sa’yo…puksain ka nawa ni Allah, hindi mo ba narinig ang sabi ni Allah?:
O mga sumasasampalataya, huwag niyong gawing ang mga Hudyo at Kristiano bilang mga tagatangkilik, sila ay tagatangkilik ng bawat isa…Maidah 51
0 Mga Komento:
Mag-post ng isang Komento
Mag-subscribe sa I-post ang Mga Komento [Atom]
<< Home