Huwebes, Mayo 15, 2014

NASA HULI ANG PAGSISISI


( حَتَّى إِذَا جَاء أَحَدَهُمُ الْمَوْتُ قَالَ رَبِّ ارْجِعُونِ - لَعَلِّي أَعْمَلُ صَالِحًا فِيمَا تَرَكْتُ كَلَّا إِنَّهَا كَلِمَةٌ هُوَ قَائِلُهَا وَمِن وَرَائِهِم بَرْزَخٌ إِلَى يَوْمِ يُبْعَثُونَ ) [ المؤمنون : 99-100 ]



Sinabi ni Allah - subhanahu wa ta'ala,

"Kapag dumating sa isa sa kanila ang kamatayan ay sasabihin niya, 'O aking Panginoon, ibalik Mo ako. Upang ako nawa ay makagawa ng kabutihan sa aking buhay na iniwan.' Hindi! Bagkus ito ay salita lamang na sinasabi niya at ang nasa kanilang likuran ay ang Barzakh (harang) hanggang sa araw na sila ay bubuhaying muli." ~Suratul Mu'minun: 99-100.

Miyerkules, Mayo 14, 2014

DAPAT KAINGGITAN

 Si Propeta Muhammad (saws) ay nagsabi: "May dalawang tao lamang na dapat kainggitan; una,
 ang taong binigyan ng Allah ng yamang ginugugol sa kabutihan; 
at pangalawa, ang taong ginawaran ng Allah ng kaalaman (sa Islam)
 na ginagamit na saligan sa paghatol at pagtuturo." (Bukhari at Muslim)

Lunes, Mayo 12, 2014

ONENESS OF GOD


ONENESS OF ALLAH IN THE QUR’AN

20:14 “ IN-NANI ANALLAH, LA ILAHA ILLAH FA^BUDNI WA AKIMISSHALATA LI ZIKRI”

112:14 “ QULHU ALLAHU AHAD, ALLHUSSAMAD, LAMYALID, WALAM YULAD, WALAMYAKUN LAHU KUFUWAN AHAD “

2:255 “ AYATUL KURSI…”

39:14 “ QUL LILLAHI ^ABUDU MUKHLISALLAHUDDIN”

39:11 “ QUL INNI UMIRTU…”

2:163 “ WA ILAHUKUM ILAHUW-WAHID…”

13:14 “ LAHU DA^WATUL HAQ…”


6:19 “ QUL INNAMAHUWA…”

16:51 “ ILAHUKUM ILAHUWWAHID…”

37:4 “ INNA ILAHAKUM LA WAHID…”

21:25, 38:65-66, 23:23, 27:60-64, 21:23, 35:1


ONENESS OF ALLAH IN THE INJIL (BIBLE)

HEAR O ISRAEL! THE LORD OUR GOD IS ONE LORD”-DEUT. 6:4, MARK.12:29

“THAT THOU MAYESTKNOW THAT THERE IS NONE LIKE UNTO THE LORD OUR GOD “ – EXODUS-8:10

“UNTO THEE IT WAS SHEWED THAT THOU MIGHTEST KNOW THAT THE LORD HI IS GOD. THERE IS NONE ELSE BESIDES HIM.” –DEUT.- 4:35

“ WHO IS LIKE UNTO THE LORD OUR GOD WHO DWELLETH ON HIGH.”- PSALMS- 11:35

“ TO WHOM THEN WILL YOU LIKEN GOD?”- ISIAH- 40:18

“ FOR AS MUCH AS THERE IS NONE LIKE UNTO THEE,O LORD: THOU ART THE GREAT AND THY NAME IS GREAT IN MIGHT.”- JERIMIAH-10:6-7

“WHY CALLEST THOU ME GOOD? THERE IS NONE GOOD BUT ONE,THAT IS GOD.”-MATHEW-10:17, MARK-10:18

“FOR THERE IS ONE GOD AND THERE IS NONE OTHER BUT HE.”- MARK-12:32

“KNOW THEREFORE THIS DAY AND CONSIDER IT IN THINE HEART THAT THE LORD HE IS GOD IN HEAVEN ABOVE AND UPON THE EARTH BENEATH, THERE IS NONE ELSE.”- DEUT.-4;39

“ AND THE LORD SHALL BE KING OVER ALL THE EARTH, IN THAT DAY SHALL THERE BE ONE LORD AND HIS NAME ONE.”- ZACARIAH-14:9

1 CORIANTIAN 8:4

LA ILAHA ILLALLAH

HUWALLAHU- HE IS ALLAH

ALLADHI LA ILAHA- BESIDES WHOM THERE IS NO GOD

ILLALLAH HUWA- BUT HE( ALLAH )


Y. H. W. H . - YA - HU - WALLAH - HU


ALLAH   - ARABIC

ELOHA - HEBREW

ALAHA- ARAMAIC 

GOD- ENGLISH 

Martes, Mayo 6, 2014

Do good and forbid evil (Surat 'Āli `Imrān 3:110)

كُنتُمْ خَيْرَ أُمَّةٍ أُخْرِجَتْ لِلنَّاسِ تَأْمُرُونَ بِالْمَعْرُوفِ وَتَنْهَوْنَ عَنِ الْمُنكَرِ وَتُؤْمِنُونَ بِاللَّهِ ۗ وَلَوْ آمَنَ أَهْلُ الْكِتَابِ لَكَانَ خَيْرًا لَّهُم ۚ مِّنْهُمُ الْمُؤْمِنُونَ وَأَكْثَرُهُمُ الْفَاسِقُونَ
Kuntum khayra ommatin okhrijat linnasita/muroona bilmaAAroofi watanhawna AAani almunkariwatu/minoona billahi walaw amana ahlu alkitabilakana khayran lahum minhumu almu/minoona waaktharuhumualfasiqoon

You are the best nation produced [as an example] for mankind. You enjoin what is right and forbid what is wrong and believe in Allah . If only the People of the Scripture had believed, it would have been better for them. Among them are believers, but most of them are defiantly disobedient.

Enjoining good and forbidding wrong, (Arabic: al-amr bi 'l-maʿruf wa 'n-nahy ʿan al-munkar)

Linggo, Mayo 4, 2014

Mag ingat sa paghihinala (hadith)

Isinalaysay ni Abu Hurayrah (kalugdan nawa siya ng Allah) na: Narinig ko ang Propeta ng Allah na nagsabing:
" إيـاكم والـظـن فـإن الـظـن أكـذب الحـديث "
Iy-ya-kum wadth-dthan-na fa-in-nadth dthan-na ak-dha-bul hha-dith
“ Mag-ingat sa paghihinala, sa kadahilanang ito ang pinakamapangligaw na uri ng konbersasyon o salitaan (Nilikom nina Bukhari at Muslim)

Biyernes, Mayo 2, 2014

TALAMBUHAY NI 'Omar bin Al Khattab

Tinipon nina Dr. 'Adil Ash Shaddi at Dr. Ahmad Al Mazyad 
Papuri kay Allaah, ang Panginoon ng mga daigdig. Dakilain nawa niya at pag-ingatan mula sa lahat ng kasamaan si Propeta Muhammad, ang kahuli-hulihang propeta at sugo, gayundin ang kanyang pamilya, at lahat ng kanyang mga kasamahan. Sa pagpapatuloy…
 Sa ating paglalakbay ay gagawi naman tayo sa isang sahaabah na itinuturing na pangalawa sa Islaam kasunod nina Propeta Muhammad at Aboo Bakr As-Siddeeq. Ang lalaking ito na nauugnay sa kanyang pangalan ang katarungan at katotohanan; lakas at katapangan; asetisismo at pagkamakadiyos; takot kay Allaah, pangingilag sa pagsuway kay Allaah, at pag-iyak sa kanyang pagpapakumbaba sa Kanya; ang firaasah (karunungan ng pagkilala sa isang tao sa pamamagitan ng kanyang hitsura) at katalinuhan; katumpakan ng kanyang paningin at pananaw; paggising sa mga mga puso't isipan; at pagpigil sa personal na pagnanasa.
 Katotohan siya ay si Al-Faarooq 'Omar bin Al-Khattaab
Mula sa tribo ng Quraysh, sa lipi ng 'Uday, at binigyan siya ni Propeta Muhammad ng Kunyah (palayaw ayon sa pangalan ng anak na idinudugtong sa katagang Aboo o ama) bilang Aboo Hafs.
 Sinabi ni Ibnul Jawzee:
واعلم أن عمر ممن سبقت له الحسنى, و كان مقدماً في الجاهلية والإسلام.
Dapat ninyong malaman na si 'Omar ay kabilang sa mga taong pinangunahan ng kabutihan. Siya ay nangunguna sa panahon ng Jaahileeyah (panahon ng kamangmangan bago dumating ang mensahe ng Islaam) at siya ay nangunguna sa Islaam. Iniulat sa At-Tabsirah.
 Sinabi ni Ibnu Katheer:
و كان متواضعاَ في الله, خشن العيش, خشن المطعم, شديداً في ذات  الله, يرقع الثوب بالأديم, و يحمل القربة على الكتفيه, مع عظم الهيبته, و يركب الحمار عرياً, والبعير مخطوماً بالليف, و كان قليل  الضحك لا يمازح أحداً. و كان نقش خاتمه: كفى بالموت واعظاً يا عمر...
Siya ay mapagpakumbaba kay Allaah, namuhay nang walang kaginhawahan, kumain ng simpleng pagkain, malupit sa mga bagay na may kinalaman kay Allaah, tinatagpian niya ang kanyang damit ng balat ng hayop, nagkakarga ng kanyang baunan sa kanyang mga balikat, may kagila-gilalas na katauhan, sumasakay sa asno at kamelyo nang walang damit pang-ibabaw bilang pagpapakita ng kababaang-loob, bihirang tumawa, at hindi nagbibiro kaninuman. Siya ay nag-ukit sa kanyang selyo ng mga katagang – Sapat na ang kamatayan bilang babala O 'Omar!
 ANG KANYANG PAGMUMUSLIM
* Si 'Omar ay nagmuslim sa ikaanim na taon ng pagkapropeta ni Propeta Muhammad, at siya ay dalawampu't pitong taong gulang. Siya ay nakilahok sa mga labanan sa Badr, Uhud, at lahat ng iba pang mga labanan kasama si Propeta Muhammad. Siya ay kasama din sa ilang mga sareeyah (maliliit na pulutong ng mga kawal) na ipinadala ni Propeta Muhammad at siya ay naging pinuno ng ilan sa mga ito. Siya ay isa sa mga nanatili sa pagtatanggol kay Propeta Muhammad sa labanan sa Uhud. Isa siya sa mga tinaguriang As-saabiqeenal Awwaaleen (ang mga nauuna sa mga naunang henerasyon). Isa siya sa mga Al-'Asharatul Mubashshareena bil Jannah (sampung binigyan ng mabuting balita ng siguradong pagpasok sa Paraiso). Isa sa mga Khulafaaur Raashidoon (mga ginabayang Khaleefah). Isa sa mga bayaw ni Propeta Muhammad. At isa sa mga nangungunang pantas ng mga sahaabah at mga zuhhaad (mga taong nagsasabuhay ng asetisismo).
Ang kanyang pagmumuslim ay itinuturing na pagsisimula ng panibagong yugto sa Da'wah. Ito ay dahil sa sinabi ni Ibnu Mas'oud:
ما زلنا أعزة منذ أسلم عمر
Kami ay naging mas malakas mula nang nagmuslim si 'Omar.

Siya ay nagmuslim sa pamamagitan ng du'aa' (panalangin) ni Propeta Muhammad. Iniulat ni Ibnu 'Omar na si Propeta Muhammad ay minsang nanalangin:
 " اللهم أعز الإسلام بأحب هذين الرجلين إليك بأبي جهل أو بعمر بن الخطاب ، فكان أحبهما إلى الله عمر بن الخطاب "
((O Allaah bigyan mo ng karangalan ang Islaam sa pamamagitan ng mas minamahal mo sa dalawang lalaking ito; sa pamamagitan ni Aboo Jahl o 'Omar bin Al-khattaab.)) At nangyari na ang mas minamahal ni Allaah sa kanilang dalawa ay si 'Omar bin Al-Khattaab. Iniulat ni Imaam Ahmad at Imaam Tirmidhee bilang Hasan Saheeh na Hadeeth.

ANG KANYANG HIJRAH

Siya ay nagpamalas ng kanyang lakas sa araw ng kanyang paglikas mula Makkah papuntang Madeenah. Ayon kay 'Alee bin Abee Taalib:
ما علمت أحدا من المهاجرين إلا هاجر مكتفياً, إلا عمر بن الخطاب, فإنه لما هم بالهجرة تقلد سيفه، و تنكت قوسه, وانتضى في يده أسهماَ, و مضى قبل الكعبة, والملأ من قريش بفنائها, فطاف بالبيت سبعاً متمكناً, ثم أتى المقام, فصلى ركعتين, ثم وقف على الحلق واحدة واحدة, و قال لهم: "شاهت الوجوه, لا يرغم الله إلا هذه المعاطس, من أراد تثكله أمه, و يوتم ولده, و يرمل زوجه, فليلقني وراء هذا الوادي." و ما تبعه أحد ألا قوم من المستضعفين علمهم و أرشدهم و مضى لوجهه.
Wala akong nakikilalang muhaajir (muslim na lumikas mula sa lugar ng Kufr tungo sa lugar ng pananampalataya) maliban na lamang na sila ay lumikas nang palihim liban kay 'Omar bin Al-Khattaab. Ito ay dahil sa nang siya ay nakapagdesisyon na maghijrah ay kumuha ng kanyang espada at isinuot ito sa kanyang leeg, nagsabit sa kanyang balikat ng busog, habang hawak niya sa kanyang kamay ang mga pana. At nagpunta siya sa Ka'bah habang ang mga pinuno ng Quraysh ay nasa bakuran nito. Siya ay nagtawaf sa paligid nito nang pitong ulit at matapos ito ay pumunta sa Maqaam Ibraaheem at nagsalaah ng dalawang rak'ah. Matapos ito ay dumaan siya sa bawat isang pagtitipon ng mga taong ito at nagsabing: "Napakapangit na mga mukha. Walang hinahamak si Allaah maliban na lamang sa mga ilong na ito. Sinuman sa inyo ang gustong mamatayan ng anak ang kanyang ina, maulila ang kanyang anak, at maging balo ang kanyang asawa ay sundan ako sa kabila ng lambak na ito." At walang sumunod sa kanya maliban na lamang sa mga mahihina sa kanila at sila ay tinuruan niya ng leksiyon.

Sinabi ni Ibnul Jawzee:
قويت شدة عمر في الدين, فصلبت عزائمه, فلما حانت الهجرة, تسللوا تسلل القطا, واختال عمر في مشية الأسد, فقال عند خروجة: ها أنا أخرج إلى الهجرة, فمن أراد لقائي, فليلقني في بطن هذا الوادش
Naging mas matindi ang katatagan ni 'Omar sa relihiyon at naging matatag ang kanyang paninindigan. Nang dumating ang hijrah sila (ang mga sahaabah) ay lumikas nang palihim na parang mga pusa ngunit si 'Omar ay naglakad na parang leon at nasabi habang siya ay papaalis: Ako ay lilisan at sinumang magnais na makasagupa ako ay makipagsagupaan sa akin sa ibaba ng lambak na ito.

UKOL SA KANYANG MGA KAGALINGAN AT KAHIGITAN
ANG LALAKI NA KABILANG SA MGA MANANAHAN SA PARAISO

  • Iniulat ni Aboo Hurayrah na sinabi ni Propeta Muhammad:
" بينا أنا نائم رأيتني في الجنة ، فإذا امرأة تتوضأ إلى جانب قصر فقلت : لمن هذا القصر ؟ فقالوا : لعمر بن الخطاب فذكرت غيرته فوليت مدبرا " ، فبكى عمر وقال : أعليك أغار يا رسول الله.
((Habang ako ay natutulog ay nakita ko ang aking sarili sa Paraiso at nakakita ako ng babaeng nagwuwudoo' sa gilid ng isang palasyo. Natanong ako: Kanino ang palasyong ito? Sinabi nila, 'Ito ay palasyo ni 'Omar bin Al-Khattaab.' Naalala ko ang pagiging seloso ni 'Omar kaya' ako ay umalis agad.)) Si 'Omar ay umiyak at nagsabi, 'Sa iyo ba ako magseselos O Sugo ni Allaah?' Iniulat nina Imaam Al-Bukhaaree at Imaam Muslim.
 ANG KARUNUNGAN NI 'OMAR BIN AL-KHATTAAB
Iniulat ni Aboo Hurayrah na sinabi ni Propeta Muhammad:
بينا أنا نائم ، شربت – يعني لبن - حتى أنظر الري يخرج في أظفاري ، ثم ناولته عمر " قالوا : فما أولته يا رسول الله ؟ قال : " العلم "
((Ako ay nanaginip ako ay uminom ng laban (yoghurt) hanggang sa ito ay umagos sa aking mga daliri at ibinigay ko ito kay 'Omar)) Ang mga sahaabah ay nagtanong, 'Ano ang ibinigay mo kay 'Omar?' Sinabi niya, ((Ang karunungan.)) Iniulat nina Imaam Al-Bukhaaree at Imaam Muslim.

ANG PANANAMPALATAYA NI 'OMAR BIN AL-KHATTAAB
AT ANG KANYANG PANANATILI DITO

  • Iniulat ni Sa'd bin Abee Waqqaas na sinabi ni Propeta Muhammad:
"والذي نفسي بيده ، ما لقيك الشيطان سالكا فجا قط إلا سلك فجا غير فجك "
((Isinusumpa ko sa may hawak ng aking kaluluwa (si Allaah), hindi mo masasalubong si satanas sa kalsada maliban na lamang na hahanap siya ng ibang dadaanan (upang hindi ka niya masalubong).)) Iniulat nina Imaam Al-Bukhaaree at Imaam Muslim.

  • Iniulat ni Aboo Sa'eed Al-Khudree na narinig niya na sinabi ni Propeta Muhammad:
بينا أنا نائم ، رأيت الناس يعرضون علي وعليهم قمص ، منها ما يبلغ الثدي ، ومنها ما دون ذلك ، وعرض علي عمر بن الخطاب وعليه قميص يجره " . قالوا : فما أولت ذلك يا رسول الله ؟ قال : " الدين "
((Nanaginip ako at nakakita ako ng mga taong ipinapakita nila sa akin at sa isat isa ang kanilang damit. Ang ilan sa kanila ay may damit na umaabot lamang hanggang dibdib, ang ilan ay walang damit. Ipinakita sa akin si 'Omar bin Al-Khattaab at siya ay may damit na sumasayad sa lupa.)) Nagtanong ang mga sahaabah, 'Ano ang paliwanang mo dito O Sugo ni Allaah?' Sinabi niya, ((Ang (damit ay ang) relihiyon.)) Iniulat nina Imaam Al-Bukhaaree at Imaam Muslim.

ANG FIRAASAH NI 'OMAR

  • Iniulat ni Aboo Hurayrah na sinabi ni Propeta Muhammad:
لقد كان فيمن قبلكم من الأمم محدثون، من غير أن يكون أنبياء, فإن يكن في أمتي أحد ، فإنه عمر
May mga tao mula sa mga nasyong nauna sa inyo na mga muhaddithoon (mga tao na nagsasabi ng mga bagay na mapapatunayang totoo kalaunan na tulad ng mga wahee o kapahayagan sa mga propeta) ng hindi mga propeta. Kung mayroon mang ganoon sa aking ummah, iyon ay si 'Omar.  Iniulat nina Imaam Al-Bukhaaree at Imaam Muslim.

ANG KANYANG MATAAS NA ANTAS

  • Iniulat ni 'Uqbah bin 'Aamir na narinig niya na sinabi ni Propeta Muhammad:
لو كان من بعدي نبي ، لكان عمر بن الخطاب
((Kung mayroon mang darating na propeta pagkatapos ko, iyon ay si 'Omar bin Al-Khattaab. Iniulat nina Imaam Ahmad at Imaam At-Tirmidhee at pinatunayang tama ni Sheikh Al-Albaanee.

ANG KANYANG PAGIGING MAKATOTOHANAN

  • Iniulat ni Ibnu 'Omar na sinabi ni Propeta Muhammad:
إن الله جعل الحق على لسان عمر و قلبه
((Inilagay ni Allaah ang katotohanan sa dila at puso ni 'Omar.)) Iniulat nina Ahmad at Imaam At-Tirmidhee at pinatunayang tama ni Sheikh Al-Albaanee.

ANG KANYANG MAHIGPIT NA PAGSUNOD

  • Iniulat ni Ibnu 'Omar na sinabi ni Propeta Muhammad:
أرأف أمتي بأمتي أبو بكر ، وأشدهم في دين الله عمر
((Ang pinakamahabagin sa aking ummah tungo sa iba pang tao sa aking ummah ay si Aboo Bakr at ang pinakamahigpit sa relihiyon ni Allaah ay si 'Omar.)) Iniulat ni Aboo Ya'laa at pinatunayang tama ni Sheikh Al-Albaanee.
  • Iniulat ni Hudhayfah na sinabi ni Propeta Muhammad:
اقتدوا باللذين من بعدي أبي بكر و عمر
Tularan ninyo ang dalawang taong ito paglisan ko; sina Aboo Bakr at 'Omar. Iniulat ni Imaam At-Tirmidhee at pinatunayang tama ni Sheikh Al-Albaanee.

ANG KANYANG KAMATAYAN BILANG SHAHEED

  • Iniulat ni Anas:
صعد النبي صلى الله عليه وسلم و أبو بكر ، وعمر ، وعثمان أحداً ، فرجف بهم ، فضربه برجله ، و قال : " اثبت أحد فإنما عليك  نبي ، و صديق ، و شهيدان "
Umakyat si Propeta Muhammad, si Aboo Bakr, Omar, at 'Uthmaan sa Uhud at ito ay yumanig. Sinipa ito ni Propeta Muhammad at nagsabi, ((Maging matatag ka Uhud dahil nakatungtong  sa iyo ang isang Propeta, Siddeeq, at dalawang shaheed (martir). Iniulat ni Imaam Al-Bukhaaree.

Ang dalawang shaheed dito ay sina 'Omar at 'Othmaan.

ANG PAGPANIG NG QUR-AAN KAY 'OMAR

  • Sinabi ni Imaam As-Suyootee:
قد أوصلها بعضهم إلى أكثر من عشرين.
Ito ay naganap sa mahigit na dalawampung ulit.

  • Sinabi ni Mujaahid:
كان عمر يرى الرأي فينزل به القرآن
Si 'Omar ay nagbibigay ng kanyang opinyon at dumarating ang mga aayah bilang pagsuporta dito.

  • Iniulat ni 'Omar:
" وافقت ربي في ثلاث : فقلت يا رسول الله ، لو اتخذنا من مقام إبراهيم مصلى ، فنزلت : واتخذوا من مقام إبراهيم مصلى ،وقلت : يا رسول الله ،يدخل على نسائك البر والفاجر, فلو أمرتهن أن يحتجبن ، فنزلت آية الحجاب ، واجتمع نساء النبي صلى الله عليه وسلم في الغيرة ، فقلت: عسى ربه إن طلقكن أن يبدله أزواجا خيرا منكن ) ، فنزلت كذالك.
Si Allaah ay pumanig sa akin sa tatlong pagkakataon: Sinabi ko, 'O Sugo ni Allaah, kung ituring natin ang Maqaam Ibraaheem bilang musallaa (lugar ng pagsasalaah).' At bumaba ang aayah na nagsasabi na 'ituring ninyo ang Maqaam Ibraaheem bilang musallaa'. Sinabi ko, 'O Sugo ni Allaah, dumadalaw sa iyong mga asawa ang mga makadiyos at mga makasalanan. Kung utusan mo kaya sila na maghijaab.' At bumaba ang aayah ukol sa hijaab. Minsan ay nagkaisa ang mga asawa ni Propeta Muhammad sa kanilang pagseselos kaya sinabi ko sa kanila, 'Maaaring mangyari na diborsiyohin kayo niya at palitan kayo ni Allaah ng higit na mabuti kaysa sa inyo.' At bumaba ang aayah ukol dito. Iniulat nina Imaam Al-Bukhaaree at Imaam Muslim.

  • Iniulat ni 'Omar:
وافقني ربي في ثلاث: في الحجاب, و في أساري بدر, و في مقام إبراهيم.
Sumang-ayon sa akin ang aking Panginoon sa tatlong pagkakataon: sa hijaab, sa mga preso matapos ang labanan sa Badr, at sa Maqaam Ibraaheem. Iniulat ni Imaam Muslim.

ANG PAPURI NG MGA SAHAABAH, AHLUL BAYT, AT NG SALAF SA KANYA

  • Sinabi ni Aboo Bakr As-Siddeeq:
ما على ظهر الأرض رجل أحب إلي من عمر.
Walang lalaki sa mukha ng lupa ang higit na minamahal ko maliban kay 'Omar.

  • Sinabi sa kanya habang siya (si Aboo Bakr) ay may sakit:
ماذا تقول لربك و قد وليت عمر؟ قال: أقول له: وليت عليهم خيرهم.
Ano ang sasabihin mo sa iyong Panginoon matapos na itinalaga mo si 'Omar (bilang khaleefah kasunod mo)? Sinabi niya: Sasabihin ko sa kanya na iniwan ko ang mabuti para sa kanila.

  • Sinabi ni 'Alee:
إذا ذكر الصالحون فحيهلا بعمر, ما كنا نبعد أن السكينة تنطق على لسان عمر.
Kapag ang mga saalihoon ay napag-uusapan ay palaging nangunguna si 'Omar at hindi nalalayo an gaming usapan sa usapin na ang sakeenah (kapanatagan) ay nagsasalita sa pamamagitan ng dila ni 'Omar.

  • Iniulat ni Ibnu Mas'oud:
عمر أعلمنا بكتاب الله, و أفهمنا في دين الله.
Si 'Omar ang pinakamaalam sa amin sa Aklat ni Allaah at pinakanakakaunawa sa amin sa relihiyon ni Allaah.

  • Sinabi ni Ja'far As-Saadiq:
أنا بريء ممن ذكر أبا بكر و عمر إلا بخير.
Ako ay walang kinalaman sa sinumang magbanggit ng anumang masama laban kay Aboo Bakr at kay 'Omar.

  • Sinabi ni Sufyaan Ath-Thawree:
من زعم أن علياً كان أحق بالولاية من أبي بكر و عمر فقد أخطأ, و خطأ أبا بكر و عمر, والمهاجرين, والأنصار.
Sinuman ang magpanggap na si 'Alee ay higit na karapat-dapat sa wilaayah (pagiging khaleefah) kaysa kina Aboo Bakr at 'Omar ay nagkamali at nilapastangan silang dalawa, ang mga muhaajireen, at ang mga ansaar.

  • Sinabi ni Shareek:
ليس يقدم علياً على أبي بكر و عمر أحد فيه خير.
Wala sinuman ang magtuturing kay 'Alee na nakahihigit kina Aboo Bakr at 'Omar na may mabuti siyang hangarin.

  • Sinabi ni Aboo Usaamah:
أتدرون من أبو بكر و عمر؟ هما أبو الإسلام و أمه.
Nakikilala ba ninyo sina Aboo Bakr at 'Omar? Sila ang ama at ina ng Islaam.

MGA BAGAY NG KUNG SAAN SI 'OMAR ANG NAGING KAUNA-UNAHAN

  • Siya ang kauna-unahang tinawag na Ameerul Mu'mineen.
  • Unang nagpatupad ng kalendaryong Hijree.
  • Unang nagtipon sa mga tao para sa salaah ng taraaweeh.
  • Unang nagsagawa ng mga pagroronda sa mga gabi sa mga lansangan ng lungsod ng Madeenah.
  • Siya ang nagpasimula ng mga pananakop sa mga bansa (upang pangibabawin ang salita ni Allaah), nagtatag ng mga hukbo; nagsabatas ng kharaaj (buwis para sa lupa), mga deewaan (talaang bayan), ng a'teeyah (halaga na tinatanggap ng mga muslim upang sila ay maging masigasig sa da'wah at jihad nang hindi na kailangan pang magtrabaho); at nagtalaga ng mga hukom.
  • Siya ang unang nagpataw ng walumpung hagupit ng latigo para sa mga manginginom ng alak bilang parusa.
  • Unang gumamit ng durrah (patpat) upang ituwid ang mga tao sa pamamagitan nito hanggang sa naging sawikain na ng mga tao matapos siya,
لدرة عمر أهيب من سيوفكم.
'Katiyakan na ang patpat ni 'Omar ay mas matindi pa kaysa sa inyong mga espada.'
  • Siya ang unang naglagay ng mga qanaadeel sa mga masjid sa buwan ng ramadhaan. Sinabi ni 'Alee:
نور الله على عمر في قبره كما نور علينا في مساجدنا.
Bigyan nawa ni Allaah ng liwanag si 'Omar sa kanyang libingan katulad ng kung paano siya nagbigay liwanag sa aming mga masjid.
  • Sinabi ni Ibnu Sa'd:
اتخذ عمر دار الدقيق, فجعل فيها الدقيق و السويق والتمر و الزبيب و ما يحتاج إليه: يعين به المنقطع. و وضع فيما بين مكة و المدينة بالطريق ما يصلح من ينقطع به.
Itinitag ni 'Omar ang Daarud Daqeeq at tinipon dito ang daqeeq, saweeq, tamr, zabeeb, at anumang may pangangailangan dito ang mga tao.
  • Siya ang nagpalawak ng Masjid An-Nabawee at ang sahig nito ay nilatagan ng maliliit na bato.
  • Siya ang nagpalayas sa mga hudyo mula Hijaaz (kanlurang bahagi ng Arabia) patungong Shaam (kasalukuyang LebanonPalestineSyria, at Jordanngayon). At nagpalayas sa mga taga-najraan patungong Koofah.

ANG MGA PANANAKOP SA KANYANG KAPANAHUNAN

  • Sinakop niya ang Sham: ang Damascus, Urdun (Jordan), Beesaan, Tibreeyah, Al-Jaabeeyah, Ar-Ramlah, 'Askalaan, Ghazzah, Ba'albak, Hums, Qinnasreen, Hilb, at Antaakeeya.
  • Sinakop niya ang Misr (Ehipto): ang Iskandareeyah (Alexandria), Kanlurang Turaabilis, at Burqah.
  • Sinakop niya ang Al-Jazeerah Al-Fraateeyah (Algeria): ang Hirraan, Ar-Ruhaa, Ar-Ruqah, Nasseebeen, Ra'su 'Ayn, Shamshaat, 'Ayn Wardah, Diyaar Bakr, Diyaar Rabee'ah, at mga lungsod ng Mawsul at mga kalapit nito.
  • Sinakop niya ang 'Iraaq at Al-Mashriq: ang Qaadiseeyah, Nahr Seer, Saabaat, Madaain Kisraa, Kooratul Firaat, Dajlah, Al-Basrah, Al-Ahwaaz, Faaris (Persia o Iraan), Nahawand, Hamdhaan, Ar-Rayy, Qooms, Khuraasaan (Khurasan, Iran), Istakhar, Asbahaan, (Isfahaan, Iran), As-Soos (Susa), Maroo, Nisaaboor, Jarjaan, Adhreebeejaan, at iba pa. Tinawid din ng kanyang hukbo ang ilog ng Jeejoon nang ilang ulit.

ANG PAPURI NI 'ALEE BIN ABEE TAALIB SA KANYA

  • Iniulat ni Ibnu 'Abbaas:
وضع عمر على سريره – بعد طعنه- فتكنفه الناس يدعون و يصلون قبل أن يرفع, فلم يرعني إلا رجل آخذ بمنكبي, فإذا علي بن أبي طالب, فترحم على عمر و قال: ما خلفت أحداً إلي أن ألقي الله بمثل عمله منك. و ايم الله إن كنت لأظن أن يجعلك الله مع صاحبيك, و حسبت أني كثيراً أسمع النبي صلى الله عليه و سلم يقول: ((ذهبت أنا و أبو بكر و عمر. و دخلت أنا و أبو بكر و عمر. و خرجت أنا و أبو بكر و عمر.))
Iniratay si 'Omar sa higaan na kanyang kinamatayan – matapos na siya ay saksakin –  ang mga tao ay pumalibot sa kanya at nanalangin para sa kanya at nanalangin para sa kanya bago pa kunin ang bangkay (upang ilibing) at ako ay kasama nila. Nakaramdam ako na may nakahawak sa aking balikat at ito ay si 'Alee bin Abee Taalib. Siya ay nanalangin ng habag ni Allaah para kay 'Omar at nagsabi, 'O 'Omar. Walang kang iniwan na tao na may mga gawain ng nais ko ng gayahin at makaharap si Allaah na dala ang mga ito maliban sa iyo. Isinusumpa ko kay Allaah! Lagi kong iniisip na pananatilihin ka ni Allaah na kasama ang dalawa mong kasamahan dahil palagi kong naririnig si Propeta Muhammad na nagsasabi, 'Umalis ako kasama si Aboo Bkr at 'Omar. Pumasok ako kasama si Aboo Bakr at 'Omar, Lumabas ako kasama si Aboo Bakr at 'Omar.' Iniulat ni Imaam Al-Bukhaaree.

·         Mula sa mga patunay ng pagmamahal ni 'Alee bin Abee Taalib kay 'Omar bin Al-Khattaab ay ang pagpayag niya na mapangasawa ni 'Omar ang kanyang anak na si Umm Kulthum at siya ay anak ni Faatimah na anak ni Propeta Muhammad. Si 'Omar ay namanhikan kay 'Alee at ikinasal ni 'Alee ang kanyang anak sa kanya. Si 'Omar ay nagbigay sa kanya ng mahr na apatnapung libo. Naging anak nila sina Zayd at Ruqayyah – kalugdan nawa silang lahat ni Allaah.

ANG KANYANG ZUHD AT ANG KANYANG PAGKAMAKATARUNGAN

  • Sinabi ni Ibnu Jawzee:
لمّا ولي الخلافة شمّر عن ساق جده, فكظم على هوى نفسه, و حمل في الله فوق طوقه.
Nang siya ay naging Khaleefah ay ginawa niya ang kanyang tungkulin ayon sa kanyang kakayanan. Siya ay nakipaglaban sa sarili niyang kagustuhan at kumuha ng responsibilidad na higit pa sa kanyang obligasyon alang-alang kay Allaah.

متيقظ العزمات مذ نهضت به
و يكاد من نور البصيرة أن يرى
عزماته نحو العلى لم يقعد
في يومه فعل العواقب في غد

Gising ang kanyang pagtitika mula nang siya ay itinalaga (bilang khaleefah).
Ang kanyang pagtitika ay nasa mataas na antas at walang kapaguran.
Siya ay nakakatanaw at nagpaplano sa pamamagitan ng liwanag ng puso.
Sa kanyang araw ay naisasakatuparan ang makakamit kinabukasan.

Pinasan niya ang mundo sa kanyang likuran at iniwan ang mga mabibigat (mga luho) dahil sa pakikipagkarera (tungo sa Kabilang-buhay).

Siya ay minsang tumayo para sa khutbah (sermon) at siya ay may suot na izaar (pang-ibabang kasuotan) na may labindalawang tagpi. Siya ay nagtipid ng salapi hanggang sa ang sarili niyang pamilya ay maghirap.

Minsan ay nakakita siya ng isang babae sa palengke na itinulak ng hangin (dahil sa kanyang kapayatan). Nagtanong siya, 'Nalalaman ba ninyo kung sino siya?' Sinabi nila, 'Siya ay anak ni 'Abdullaah. Siya ay isa sa mga anak (o apo) mong babae.' Sinabi niya, 'Sinong anak kong babae?' Sinabi nila, 'Anak na babae ni 'Abdullaah na anak ni 'Omar.' Sinabi niya, 'Paanong nangyari sa kanya ang nakita ko?' Sinabi nila, 'Dahil sa iyong pagtitipid.'  Sinabi niya, 'Ang pagtitipid ko sa mga bagay ng pag-aari ko ay nagbabawal sa iyo na mamalimos para sa iyong anak na babae katulad ng pinagmamalimos ng mga tao? Isinusumpa ko kay Allaah wala kang obligasyon sa akin maliban na lamang sa pakikiramay mo sa mga muslim, ang iyong kinalaman dito, at iyong paghihirap kasama nila. Ang maghahatol sa atin ay ang aklat ni Allaah.'

Noong taon ng Ramaadah (taong 30 ng hijrah na panahon ng matinding tagtuyot) ay kumakain si 'Omar ng mantika hanggang sa ang kanyang tiyan ay kumalam nang husto. Sinabi niya, 'Kumalam ka man o hindi kumalam (kinakausap niya ang kanyang tiyan), walaahi hindi ka makakatikim ng taba (ng masarap na pagkain) hanggat hindi nabubusog ang mga batang muslim.

والزيت أدم له والكوخ مأواه
من بأسه و ملوك الروم تخشاه
يا من رأى عمراً تكسوه بردته
يهتز كسرى على كرسيه فرقاً

O sinumang nakakita kay 'Omar na nakasuot ng burdah (simpleng kasuotan na gawa sa tela lamang na hindi tinahi).
Na mantika ang kanyang pagkain at ang kanyang bahay ay bubong lamang.
(Habang) ang Emperador ng Persia ay nanginginig sa kanyang takot sa tapang niya.
(Habang) ang emperador ng Roma ay natatakot (din) sa kanya.

ANG KANYANG TAKOT KAY ALLAAH

  • Sa kanyang mga mata ay makikita ang dalawang maiitim na guhit dahil labis na pag-iiyak.
  • Siya nagbabasa ng mga aayah bilang kanyang kaugalian sa gabi at siya ay iiyak hanggang sa siya ay matumba. Siya rin ay mananatili sa kanyang bahay hanggang sa siya ay pangalagaan dahil sa pagkakasakit.
  • Siya ay nagsabi nang siya ay mamamatay na:
الويل لعمر إن لم يغفر له
Kapahamakan kay 'Omar kung hindi siya mapapatawad.
  • Iniulat ni Anas bin Maalik:
سمعت عمر بن الخطاب يوماً و قد خرجت معه حتى دخل حائطاً, فسمعته يقول و بيني و بينه جدار: عمر بن الخطاب أمير المؤمنين! بخ والله بنيّ الخطاب, لتتقين الله أو ليعذبنك!
Narinig ko si 'Omar bin Al-Khattaab isang araw nang ako ay umalis kasama siya hanggang sa siya ay pumasok sa isang gusali at narinig ko siya habang nasa pagitan namin ang pader, ''Omar bin Khattaab. Magaling ang iyong ginawa. Siguradong dapat mong katakutan si Allaah o siguradong paparusahan ka Niya.'

ANG KANYANG PAGMAMALASAKIT SA KANYANG PINAMUMUNUAN

Iniulat ni Awzaa'ee:
خرج عمر في سواد الليل, فرآه طلحة, فذهب عمر, فدخل بيتاً, ثم دخل بيتاً آخر, فلما أصبح طلحة ذهب إلى هذا البيت, و إذا بعجوز عمياء مقعدة. فقال لها: ما بال هذا الرجل يأتيك؟ قالت: إنه يتعاهدني منذ كذا و كذا, يأتيني بما يصلحني, و يخرج عني الأذى. فقال طلحة: ثكلتك أمك يا طلحة, أعثرات عمر تتبع؟
Lumabas si 'Omar sa kadiliman ng gabi at nakita siya ni Talhah. Umalis si 'Omar at pumasok sa isang bahay at pumasok sa isa pa. Nang makita niya si 'Omar ay pumunta siya sa bahay na iyon at naroon ang isang matandang babaeng bulag at siya ay nagtanong, 'Anong mayroon sa lalaking ito (si 'Omar) at pumupunta siya sa iyo?' Sinabi niya, 'Katotohanan siya ay nangangalaga sa akin mula pa noon. Dinadalhan niya ako ng aking mga pangangailangan, at siya ay naglilinis para sa akin.' Sinabi ni Talhah, 'Mawala ka nawa sa iyong ina o Talhah. Sinusundan mo ba ang mga yapak ni 'Omar?'

ANG KANYANG PAGSAMBA AT PAGSUSUMIKAP

  • Iniulat ni Sa'eed bin Al-Musayb:
كان عمر يحب الصلاة في كبد الليل – يعني وسط.
Si 'Omar bin Al-Khattaab ay palaging nagsasalaah sa kalagitnaan ng gabi.

·       Iniulat ni Ibnu 'Abbaas:
ما مات عمر رضوان الله عليه حتى أسود من الصوم.
Hindi inabutan ng kamatayan si 'Omar bin Al-Khattaab maliban na lamang na nangitim siya sa pag-aayuno.

  • Siya minsan ay namuno sa salaah ng fajr at binasa niya ang Soorah Yoosuf at naririnig ang kanyang pag-iyak hanggang sa kahuli-hulihang hanay ng mga nagsasalaah habang binabasa niya ang aayah,
إنّما أشكوا بثّي و حزني إلى الله
Katotohanan ay idinadaing ko ang aking mga paghihirap at kalungkutan kay Allaah lamang. Soorah Yoosuf: 86.

SIYA AY NAMATAY NA ISANG SHAHEED

  • Iniulat ni Ibnu Katheer:
إن عمر لما فرغ من الحج سنة ثلاث و عشرون و كان معه أمهات المؤمنين, و نزل بالأبطح, دعا الله عز و جل و شكا إليه أنه قد كبرت سنه, و ضعفت قوته, وانشرت رعيته, و خاف من التقصير, و سأل الله أن يقبضه إليه, و أن يمن عليه بالشهادة في بلد النبي, كما ثبت في الصحيح أنه كان يقول: ((اللهم إني أسألك شهادة في سبيلك, و موتاً في بلد رسولك)), فاستجاب الله له هذاالدعاء, و جمع له بين هذين الأمرين؛ الشهادة في المينة النبوية, و هذا عزيز جداًّ, و لكن الله لطيف بما يشاء تبارك و تعالى.
Nang matapos si 'Omar sa pagsasagawa ng Hajj noong taong 23 matapos ang hijrah kasama ang mga Ummuhaatul Mu'mineen (mga asawa ni Propeta Muhammad) siya ay bumaba sa isang lambak at nanalangin kay Allaah at dumaing na siya ay tumatanda na, humihina, at dumarami na ang kanyang mga obligasyon. Natatakot siya na siya ay magkulang na kaya't hiniling niya na kunin na siya Nito at biyayaan Niya siya ng Shahaadah (kamatayan bilang martir) sa lungsod ng Kanyang Propeta tulad ng napatunayan sa mga hadeeth na saheeh na siya ay minsang nanalangin, 'O Allaah. Ako ay humihiling sa iyo ng kamatayan sa iyong landas sa lungsod ng iyong Sugo.' At sinagot ni Allaah ang kanyang panalangin at tinupad niya ang dalawang kahilingang ito; ang shahaadah at ang kamatayan sa lungsod ng Kanyang Sugo. Ito ay isang napakadakilang bagay at si Allaah ay napakamapagbigay sa kaninumang naisin Niya, Maluwalhati at Kataas-taasan si Allaah.

  • Isang umaga ng Miyerkules sa buwan ng Dhul Hijjah ay sinaksak siya habang siya ay namumuno sa salaah ng Fajr sa Mihraab (lugar ng Imaam kapag namumuno siya sa salaah). Siya ay sinaksak ni Aboo Lu'luah Fayrooz Al-Majoosee sa pamamagitan ng isang patalim na may dalawang talim nang tatlong ulit samantalang ang ibang ulat naman ay nagsasabi na ito ay anim na ulit. Ang isa sa mga saksak sa kanya ay tumama sa kanyang pusod at siya ay nagbulalas ng kung sino ang may kagagawan nito. Ang Kaafir na ito ay tumakas at wala siyang taong dinaaanan maliban na lamang kundi sinaksak niya ang mga ito at lahat sila ay labingtatlo at namatay ang anim sa kanila dahil sa mga saksak na kanilang tinamo. Hanggang sa balutin siya ni 'Abdullah bin 'Awf ng isang balabal at siya ay nagpakamatay – isumpa nawa siya ni Allaah.

  • Binuhat si 'Omar tungo sa kanyang bahay at ang dugo niya ay tumatagas mula sa kanyang sugat at ito ay bago pa sumikat ang araw. Siya ay magkakamalay at pagkatapos ay mawawalan rin siya ng malay. Ipinaalala sa kanya ang salaah at nagsabi:
لا حظ في الإسلام لمن تركها.
Walang bahagi sa Islaam ang sinumang tumalikod dito (sa salaah).

  • Nang siya ay ay naghihingalo na, siya ay nawalan ng malay at ang kanyang ulo ay nasa lupa. Nilagay ng kanyang anak na si 'Abdullaah ang kanyang ulo sa isang bato. Nang siya ay nagkamalay ay sinabihan niya ang kanyang anak, 'Ilagay mo ang ulo ko sa lupa.' At ito ay ginawa. Pinunasan ni 'Omar ng lupa ang kanyang dalawang pisngi at nagsabi, 'Kapahamakan para kay 'Omar. Kapahamakan para kay 'Omar. Kapahamakan para kay 'Omar kung hindi siya patatawarin ni Allaah.'

  • Nang siya ay namatay ay umiyak si Sa'eed bin Zayd at sinabihan siya, 'Ano ang nagpapaiyak sa iyo?' Sinabi niya, 'Ako ay umiiyak para sa Islaam, katotohanan sa pamamagitan ng kamatayan ni 'Omar ay nalamatan ang Islaam. Katotohanan sa kamatayan ni 'Omar ay nalamatan ang Islaam ng isang lamat na hindi maisasaayos hanggang sa Araw ng Paghuhukom.' Iniulat sa Tabaqaat Ibnu Sa'd.


Kalugdan nawa ni Allaah si 'Omar at higit pa siyang kalugdan. O Allaah, maging saksi ka sa kanyang pagmamahal at sa pagmamahal ng lahat ng mga Khulafaaur Raashideen, at ng iba pang mga kasamahan ng iyong Propeta. Dakilain nawa ni Allaah si Propeta Muhammad at ingatan sa lahat ng kasamaan gayundin ang kanyang pamilya, at lahat ng kanyang mga kasamahan.